Chapter 2 : meet the B4

716 26 22
                                    

 

"I can make a good guy, bad for a weekend." Kanta ni Darrria habang absent ang teacher namin ng English.

Binaliktad niya yata yung lyrics. Mas gusto niya yata bad?

Grabe. Day 5 absent ang teacher? Utang na loob naman.

"That's what you get when you let your heart win. Wooh ho huwooohooo." Sigaw naman ni Sam.

Kanya kanya silang ginagawa dahil wala ngang teacher. May nag-me-make up-an. May nagliligawan. May nagsusugal  (Utang na loob naman. Section 1 nga ba ito?) Parang last section lang ah?

Pero ako, Ang ginagawa ko lang naman ay tumahimik. Tahimik ako. Tahimik na nakatulala kay Ivan. Nakangiti, Nakahalumbaba, Inaangkin ng aking mga mata ang kakisigan niya.

"Neng, Laway mo!" Biglang hampas ni Darria sa balikat ko. "Kanina ka pa nakatitig matunaw 'yan."

"Ito naman. Kumanta ka na lang diyan! Kahit masakit sa tainga, Go! Kanta. Basta't hayaan mo ako sa kinaaadikan ko." Sabi ko at nagpa-cute.

"Wow ha? Echusera! Nagmamaganda?" Sabi niya at kinabit ulit ang earphone sa tainga.

Nag-pout ako at bumalik sa pangangalumbaba. Kitang kita ko kung ano ang ginagawa ni Ivan. Nakatitig siya sa isang papel na nakapatong sa desk niya. Pinapaikot niya ang ballpen niya sa mga daliri niya. Ang cute. Ang cool cool niya. At aminadong baliw ako sakanya. Kahit anong kilos niya ay kinakikiligan ko. Ultimo pagkamot niya sa batok ay kinikilig ako. Basta, hay nako pag-ibig.

Nasa tapat ko lang siya sa kabilang hanay sa pangalawa sa dulo. Kaya alam kong alam niyang tinitingnan ko siya kasi nakikita kong tumitingin siya sa akin gamit ang pag-gilid ng kanyang mata. Shems! Kinikilig ako kapag ginagawa niya 'yon. Oh sadyang assuming lang ako? Hayaan niyo na. Yung iba nga walang brief. Anong konek?

But then again, Ivan is mine. Charots. Ang gwapo gwapo mo ba naman kaya naiintindihan kita kung bakit ang sungit sungit mo! Bagay naman tayo ah? Maganda ako at gwapo ka. Matalino ka at ako? Whatever. Kaylan mo naman kasi ako papansinin?

Nagulat ako nang tumayo si Ivan para lumabas kasama yung tropa niya kasi niyakag niya palabas. Na-bore siguro kaso 2hrs ang subject na ito kaya 2hrs din kaming walang ginagawa.

"Girls, Labas tayo!" Yaya ko kay Sam at Darria. Tiningnan ko ri si Chacha para sumama rin.

"Ano namang gagawin natin sa labas?" Tanong ni Chacha at Sam.

"I-di-display ba natin ang kagandahan natin doon?" Sabi ni Darria na tumatawa.

"Kung meron ako 'non." Sabi ni Chacha at yumuko.

"Ano ka ba! Maganda ka. Next time ka na gaganda kasi parang wattpad character ka lang. Nerdy girl na gumaganda kapag may lalaking nagugustuhan." Sabi ni Sam kay Chacha. "May crush ka ba?" Dagdag ni Sam.

"Wala." Matipid na sagot ni Chacha.

"Ay siya! Next time ka pa gaganda ng husto. Let's go?!" Atat kong sabi.

"Bakit nga daw kasi?" Tanong ni Darria.

"Ow. I know na. Yung papable over there." Tinuro ni Sam yung upuan ni Ivan. "Ay wala. So, lumabas yun kaya gustong lumabas din ng makiri na ito." Sabi ni Sam na akala mo ay taga palengke lang.

"Maka-kiri naman 'to. Slight lang naman." Sabi ko at tumawa.

Nauna akong lumabas ng classroom nang pagliko para sa hagdanan pababa ay nabangga ko ang isang babae.

Corrected By  ( On going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon