Chapter 4 : One Sided Love

231 13 12
                                        

"Hoy! Kanina pa kita kinakausap, Neng. Mamaya mo na isipin si Ivan. Hindi ka naman mahal non!"

"H-huh?!" Nagulat ako sa hampas ni Darria. "Ano bang sinasabi mo nga ulit?" Wengya! Lumilipad na naman utak ko.

Drew right? Bakit niya ako tinulungan kanina? Waaaah! Omy! May bago akong taga hanga. Pero mas gusto ko pa rin na si Ivan ang umibig sa magandang ako. Pero parang malabo pa sa mata ni Chacha na mangyari ang bagay na iyon.

Four years. Apat na taon ko na pala siyang minamahal pero bakit ganito parin kami? Malayo sa isa't isa? Please lang, Cupid! Panain mo na yung puso niya para mabighani na siya sa magandang ako. Nakakaiyak naman.

"Ano ka ba?! Ikakasal na kami ni Ivan." Feelingera kong kuda kay Darria.

Last subject na rin naman namin at mukhang absent pa titser namin kaya malaya kaming nakakapag daldalan ni Darria. Lumabas kasi sila Cha cha at Ivan dahil pinatawag sila sa principal's office dahil running for Valedictorian at Salu. Silang dalawa. Waaaaah! Buti pa si Chacha nakakapiling niya yung asawa ko. Ang unfair talaga ng mundoooo!

"Neng, may papakita ako sa'yo." Biglang abot ni Sam ng iPhone niya ang nag swipe nang nag swipe.

"Aanhin ko naman abs ni Christian Grey? Nakakain ba 'yan huh? Buti sana kung yung gwapong pagmumukha ni Ivan ang binabalandra mo sa maganda kong mga mata." Sabi ko sabay halumbaba.

"Hindi ka non mahal gagi!" Sabay pa talaga sila ni Darria nagsalita.

"Oo na! Oo na! Ako na sawian. Pero pag ako talaga napansin si Ivan, Papagawan ko ng rebulto si Junno sa tapat ng School na ito!" Sabi ko at nilibot yung tingin sa paligid baka kasi nakikinig si Juno at ihampas pa sa'kin gilagid niya.

Pero ang nahagip ng mga mata ko ay si Drew na nakatingin sa akin at nakangiti. Nakuha niya pang kumindat nang nagtama ang mga mata namin. Bigla siyang nagpalipad ng papel na eroplano papunta sa akin. Tumama ito sa ulo ni Sam.

"What the heck?! Sino gumawa non?!" Sigaw ni Sam.

Natawa ako dahil biglang nagiba ng direksyon yung tingin ni Drew. Pinulot ko yung eroplanong papel. Binuka ko ito para sana gawing bulaklak na papel pero napansin kong may nakasulat doon.

Crush kita. ;p

Feeling ko namumula ako sa mga oras na ito. Wengya! Crush agad? No! May asawa na ako. Sorry sa iyo, Dear. Ang magandang nilalang na crush mo ay taken na.

"Naku naku! Humaharot si Inday. Neng, Akala ko ba si Ivan gusto mo? Bakit may Drew na involve?" Pahina nang pahina yung sinasabi ni Darria habang dinudutdot yung daliri sa papel. Nakita niya rin yata yung ginawa ni Drew.

"Alam mo naman ang mga Dyosa, lapitin ng mga makikisig." Proud kong sabi.

"So, bakit si Ivan hindi ka pinapansin?" Tanong ni Darria at naki sali na rin si Sam sa intriga.

"Crush ako non ano ba kayo? Nahihiya lang siya umammin." Sabi ko at pinalipad yung eroplanong papel. Hindi ko kasi nagawang flower.

Sinundan ko kung saan napunta yung eroplanong papel at saktong lumanding yon sa may pintuan. Tumama pa ito sa taong nandoon na kakarating lang. Si Ivan ko. Waaaah! Ang gwapo ng dating niya. Boy next door ang datingan.

Tinutukso na ako ngayon nila Darria. "Ivan! Pulutin mo yung papel may nakasulat diyan!" Sigaw ni Darria.

"Huy! Nakakahiya ka." Pabulong kong sabi kay Darria.

Tumawa lang siya pati si Sam. Nakiupo na rin si Chacha na kararating lang din.

Kinuha ni Ivan yung papel at binasa. Bigla akong kinabahan lalo na't nakita kong kumunot noo ni Ivan. Nakita kong tinapon niya lang yun sa basurahan at umupo na sa lugar nila Kurt at Drew.

Corrected By  ( On going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon