Dear, Looker. Short lang ito. Pagpasensyahan niyo na. Haha! Sira na kasi phone ko. And, intindihin niyo na lang yung typos. Pogi lang si author pero tamad mag edit. Ayun lang enjoy. 😘
Chapter 3 : Saved.
Isha *
"Omaygad! Si Scott Hoying, Bading? Noooooooo! Hindi pwedeeeeee! Magpapakasal pa kamiiiiii. Aanakan niya pa akooooo~ huhu, bes! Hindi totooooo" Parang tangang ngawa ni Sam habang bibabasa ang news feed sa facebook niya.
"Para kang gago, Sam. Sino ba yun?" Tanong ni Darria.
"Oo nga!" Tanong ko rin.
"Huwaaaaaaa!" Tanging ngawa lang ang nasagot niya sa'min.
"Hayaan nyo na siya." Sabat ni Chacha.
Nasa cafeteria kami kasi breaktime. At nakakahiya si Sam. Parang hindi pilot section. Tss.
At ako naman ay kahaba na ng leeg ko kakahanap sa boyfriend ko. Waaah! Oo, feelingera lang ang peg ko. Bakit? I-claim mo nang asawa o shota mo ang taong crush mo kahit sa malawak na pag-iisip nyo lang.
"Bes, baka gusto mong puntahan sa court?" Biglang hampas sa leeg ko ni Darria.
"Huh? Nasa court siya? Paano mo nalaman?!"
"Baka nadaanan natin kanina?"
"Nadaanan? Ba't 'di ko nakita kanina?"
"Baka nag fefacebook ka?"
"Shems! Paalala nyo nga sa'kin na 'wag mag FB sa school!"
Hindi ko na sila pinagsalita at tumayo na ako para pumunta sa court. Mamaya pinapaligiran na siya ng mga linta.
Hingal akong huminto sa court. Nakita kong naglalaro nga siya kasama yung second section. Kakampi niya yung classmates namin.
"Go Ivaaaaaaan! Lampasuhin mo silaaaaaaaaa" sigaw ko.
Hindi ako nagpadaig sa mga sumisigaw din sa pangalan niya. Pero hindi manlang siyang lumingon sa'kin. Imbyerna!
Ang tanging lumingon sa'kin ay si Drew at Juno na mukhang flappy bird. Yung walasjo na yun ay nakuha pang kumindat sa'kin. Ayyyyy! Double imbyerna!
"Go Ivan! Kaya mo yaaaaan! Shooot! Shoooot!" Sigaw nung isang babae.
Tiga second section. Yung Isa sa mga babaeng nang-away sa'min kahapon. Nakita kong napatingin si Ivan sa babaeng iyon. Waaaaaah! Ang unfair nang pagtingin niya! Nakakaselos, baby! Ako 'tong halos maputol na ang litid ko sa leeg kakasigaw sa pangalan niya ay ni isang lingon sa'kin hindi niya magawa. Samantalang sa babaeng pulpo na iyon isang sigaw lang, lingon agad?! Hustisya, Ivan!
"Go Ivan! Go Ivan! Go sexy, sexy, Ivan~" Halos mabaliw na ako kakasigaw at halos gayahin ko na si Athena ng She's Dating The Gangster kakasayaw habang sinisigaw pangalan niya ay hindi niya pa rin ako matignan.
Napagtatawanan na nga ako nung ibang nanonood. Pero wala akong pake. Bakit? Pinapakealaman ko ba sila kung gaano sila kapanget? Hindi naman diba?! Shems!
"Notice me, Ivan!" Desperada na talaga ako.
"Poor girl." Narinig kong sinabi nung babaeng pulpo.
Nilingon ko siya at inirapan. Lampake!
"Go Ivaaaaaan!" Sigaw ko pa.
"Bugok! Tapos na ang laro, Inday! Tignan mo mga at nagliligpit na sila." Sabat ni babaeng pulbo.
Nakita ko ngang nagpupunas na ng pawis si Ivan habang nakasakbit yung bag niya sa kanang balikat niya. Waaah! Nakakahiya ako.
Nilingon ko si babaeng pulbo. "Ba't ba?!" Sabi ko sabay flips hair. Mas maganda ako sakanya. Pero hindi maalis sa isip ko na tinignan siya ni Ivan sa isang sigaw lang. Crush kaya ni Ivan itong babaeng ito? Noooo! IKennnat! Magluluksa ako ng isang taon.
"Bruha. Hindi ka magugustuhan ni King. Ako gusto non." Nakataas na kilay niyang turan.
"Jusko! Mangarap ka. Kakasal na kami. Adios!" Pang aasar ko rin.
Narinig kong tumawa nang malakas yung babae. Naiinis ako! Wala akong masabing pangbara sa isang 'yon. Saka ayoko nang away. Pero akin pa rin si Ivan ko! Kainis! Ba't ba ang dami kong kaagaw sa asawa ko?
Lalapitan ko na sana si Ivan nang marinig ko ang bell. Jusko! Daming hadlang. Kaya umakyat na lang ako papunta sa Science class namin. Dalawang oras na namang nakalapat ang pwet ko sa upuan. Hays. Tapos ang layo pa ni Ivan sa inuupuan ko. Nasa harapan siya ako nasa dulong dulo. Likod niya lang nakikita ko.
"Neng, may index ka? Penge! Hindi ako nakabili kanina." Sabi ni Sam na katabi ko.
"Pulube mo talaga. Sa susunod niyan one whole na hihiramin mo bukod sa index at pulbo."
"Ballpen din, shunga! Papakopyahin kita."
"Ay, ilan ba gusto mo?"
"Basta kopyahan magaling." Nakangising sabi ni Sam.
Nakwento ko na rin naman sakanilang tatlo na mahina ang kukote ko. Puro Ivan kasi ang laman. Buti pa si Darria at Sam, kahit balahura ay may laman ang utak. Pero ako balahura lang walang utak. Nakakaintindi naman talaga ako pero ayaw lang maalala ng utak ko yung mga napag aralan. Saka sa college na ako mag seseryoso. High school pa lang naman ito, e. Ito yung pinaka enjoy na stage ng mga studyante. Kaya sulitin.
"What is Physics? Physics----"
Hay! Nabibingi ako sa lesson. Nakatitig ako sa likuran ni Ivan nakahalumbaba sa lamesa at nakapout.
"Isha!" Kalabit ni Sam sa'kin.
"Ano ba?" Tamad kong tugon.
"Boploks! Kanina ka pa tinatawag ni ma'am."
Napalingon ako kay ma'am sa bigla ko. "Huh?!" Sabay tayo.
"Mukhang bagot na bagot ho kayo sa tinuturo ko. Nakakahiya naman ho sa iyo, miss..." Binasa ni Ma'am yung name tag ko. "Isha with smiley face" Nagtawanan ang mga walangya kong kaklase.
"P-po?" Tanong ko sa hiya.
"So, what's bothering you, Isha? Inaantok ka sa mga sinasabi ko? Ikaw lang yung bukod tanging nakatanga sa kawalan habang nagsasalita ako sa harapan." Nakahalukipkip na si Ma'am. Tinitignan niya ako sa likod ng eye glasses niya. Waaaah! Nakakatakot yung tingin niya.
"N-nakikinig po ako." Sabi ko sabay yuko.
"Sure? So what is physics miss Isha?"
Pak! Ano ba yaaaaaan! Mapapahiya ako sa klase kasi hindi ko alam ang isasagot ko. Looord bigyan mo po ako ng talino ngayon lang. Tumingon ako kay Sam at bakadiretso lang ang tingin niya. Nasa harapan naman sila Sam at Darria. Wala akong mahihingian ng tulong. Jusko! Nagsisimula pa lang ang klase napapahiya na agad ako.
Nang bumaling ako sa kaliwa ko nakita ko na may nag angat ng isang papel at may nakasulat doon.
"Physics is the natural science that involves the study of matter and its motion and behavior through space and time...And.."
"And?"
Hala! Ba't ba hindi na niya tinaas? Nakikita kong napapatingin din si ma'am sa tinitignan nakita kong diretso na yung tingin niya sa pisara. Waaaah!
"And...."
Nagulat ako nang biglang nagring yung bell.
"That's your assignment, Isha. Okay class please bring the following---"
"Saved by the bell~" Kanta ni Sam.
"Heh! I hate you!"
Tumawa lang si Sam. Nilingon ko yunh lalaking nag taas ng note niya para tulungan ako. Nang nagtama ang tingin namin ay kumindat siya sa'kin. What?!
BINABASA MO ANG
Corrected By ( On going )
Roman pour AdolescentsPrequel (kuno) ng Corrected by (OneShot)