Chapter 5 : Tissue

94 8 4
                                        

Chapter 5 : Tissue

Isha's POV

Sabado ngayon at malakas ang ulan. Nakikisabay yata sa pagiging malungkot ko. Time na ba para putulin ko na kung ano man ang nararamdaman ko para kay Ivan? Besides, Grade 10 pa lang naman ako e. Aral muna bago landi ika nga nila.

Pero kada maiisip ko kung gaano kasaya si Ivan sa iba feeling ko namatay puso ko. Hays! Bakit pa kasi nauso ang love love na 'yan! Sakit lang naman sa puso ang maidudulot.

Naisipan ko na lang na i-search kay pareng Google ang meaning ng Physics. Baka sa Lunes mabatukan ako ni Ma'am.

Copy paste muna ginawa ko. Sinave ko muna sa PDF saka ko na isusulat sa notebook dahil nakakatamad. Napunta tuloy ako sa pag FFaceBook na sana 'di na lang ako nag log in.

Ivan Navi
12mins ago

Ang sama ng panahon. Pero mas masama kung hindi magiging tayo.

Taenaaa! First time kong makabasa ng ganyan sa mga posts ni Ivan. At alam kong para kay Thasia ang post na iyan. Nakumpirma ko pa na si Thasia talaga ang dahilan ng post niyan yon ng silipin ko ang comments.

Thasia Madrigal : 😘😍 ( people who reacted Ivan Navi )

Nakakasora na. Ang sakit lang huh? Balak ko sana i-block si Thasia kaso mawawalan na ako ng alam sa kalandian nila kung gagawin ko iyon.

Sige, Shasha. Saktan mo pa sarili mo. As if naman papansinin ako ni Ivan kung magmamaktol na lang ako.

So tuloy ang laban. Thasia lang 'yan. Hindi pa naman silang dalawa kaya may pag asa pa ako.

Namasyal muna ako sa Mall pampawala ng stress. Sobra naman binigay na allowance sakin ni Mama kaya pambili rin ng Kpop Merch ito. O kaya mamili ng bagong damit.

Naupo muna ako sa food court para ubusin ang Milktea. Nakakapagod din kasi maglakad lakad. Sanay naman ako mag isa gumala kaya okay lang ng walang kasama. Yakagin ko na lang next time sila Darria. Sangayon kasi gusto ko muna mapag isa. Super broken hearted lang?

"Mag isa ka yata, Isha." Nagulat naman ako sa biglang umupong lalaki katapat ko. Nilapag niya yung chips na bukas na at mogu mogu na iniinom niya. "Anong ginagawa ng magandang katulad mo dito? Alone?" Banat niya.

Tumaas kilay ko. Umayos ako ng upo. "Edi ano... Wala. Bakit ba?!"

"Sungit naman nito. Hindi ka manlang magpapasalamat sa akin?"

"Magpasalamat saan?" Umamo mukha ko ng maalala yung ginawa niyang pagtulong sa akin doon sa Physic. "Ahm, Thanks." Sabay inom ng milktea.

"You're always welcome. You want?" Inalok niya yung chips na nilalantakan niya.

"No. Thank you, Drew."

"Oh, Kilala niya pala ako." Ngumiti siya ng napaka tamis. Siguro kung di ako in love kay Ivan, Magiging crush ko agad tong si Drew.

"Malamang. Kaklase kita. Ano bang ginagawa mo dito? Wala ka rin bang kasama?" Tanong ko.

Inangat niya yung paper bag na nasa tabi niya. "Shopping? And yeah, May kasama ako kanina. Kaso nawala e. Di ko alam saan pumunta. I guess nakipag kita na kay Thasia?"

Napatayo ako sa narinig. "T-thasia?"

"Yep. Why?"

So si Ivan ang kasama niya. At posible na nandito yung dalawa at sweet na naglalakad ng magkahawak kamay.

"I-I need to go. Natatae na ako. Bye."

"---Wait!" Rinig kong tawag ni Drew pero hindi na ako lumingon.

Tae naman! Kaya nga ako nandito para mawala sa isip ko yung dalawa pero parang pinagtitripan ako ng tadhana at balak akong masakta ng masaktan. Gosh!

Sa pagmamadali ko ay ayun na nga. Nasa harapan ko na si Ivan at Thasia. Hindi sila magka holding hands pero magkadikit sila at tila kakatapos lang magngitian bago nila ako makita.

"Oh, Hi... Ano nga pangalan niya, King?" Tinanong niya si Ivan. Tanging poker face lang ang nagawa niya. Para bang nainis ng makita ako.

Nakakalungkot naman yon. Bakit pagdating sa akin ay ang cold cold niya? Why is thaaaat? Huhu!

Ngumiti ako ng pilit at saka nilagpasan sila. Medyo masakit lang.

"Isha..."

Natigilan ako ng marinig kong tawagin ako ni Ivan. Agad akong lumingon.

"Isha... I don't know. She's new. Let's go." Tila kinilig pa si Thasia ng higitin siya ni Ivan sa braso.

Akala ko pa naman tinawag na ako ni Ivan. Ang nakakalungkot pa ay parang hindi niya ako kilala. My god Cassie! Simula grade 7 nagpapansin na ako sakanya tapos... Tapos... Hindi niya ako kilala? May toyo ba ang lalaking iyon?

Nakakainis. Nakita ko pa ang mapang asar na ngiti ni Thasia ng tignan ako. Ang sarap lang tanggalin ng gilagid niya. Banas!

Nakita kong dumiretso sila kay Drew at naupo sa tapat nito. Sa sobrang galit ko ay naisipan kong bumalik at tumabi kay Drew.

"Hey. You're back." Drew said.

"Of course! Oh hi~" Bati ko sa mga nasa harapan namin.

"Kasama mo siya?" Tanong ni Thasia kay Drew.

"Uhh, No---"

"Yes. Nagpapaturo kasi ako sakanya sa Physics. Right? RIGHT?!" Kinurot ko yung hita ni Drew para ipahiwatig na sumakay na lang siya.

"R-right. Uhh... Hehe." Napakamot sa batok si Drew.

"What? pilot section kailangan pa ng tutor? What a shame." Diretsong sabi ni Thasia. Di man lang magpasintabi kasi ang bastos niya promise! Parang gusto ko siyang saktan at ihagis na lang sa escalator para higupin siya nito. Kakainis!

Hindi na ako umimik pa. Ayokong magmaldita sa harapan ni Ivan baka ma turn off pa sa akin.

Mukhang bagot na bagot na naman siya sa mga nangyayari.

Nag uusap si Drew at Thasia dahil mag pinsan pala ang dalawa. Na bobore na rin ako kagaya ni Ivan. Ni hindi ko manlang makitang sinusulyapan niya ako. Nakatingin lang siya kay Thasia habang nagsasalita ito. Napaka daldal ng babaeng iyan. Dapat diyan sinasalpakan sa bibig ng gamit na napkin e para manahik.

Nakakita ako ng tissue sa lamesa at nakaisip ako ng idea para mapabaling sa akin ang atensyon niya. Nag sulat ako sa tissue at saka dahan dahang inilapit sa harapan ni Ivan. Sinadya kong makalabit ang braso niyang nakapatong sa lamesa para aware siya.

At sa wakas! Tinignan niya na ako. Kaso ang sama ng tingin. Kala mo kakainin niya na ako. Okay! Medyo na green ako don. Well, Nag wave ako sakanya. Busy naman yung Thasia kaya di niya napapansin ang kalokohan ko.

OMG! Nagsulat siya sa tissue na binigay koooo! Ano kayang reply niya sa sinulat kong "Hi ♡" My god Cassie! Aatakihin yata ako sa puso dahil sa kilig.

Nilapag niya na yong tissue medyo malapit sa akin. Kaso nong kukunin ko na ay agad itong nakuha ni Drew.

"What's that?" Tanong ni Thasia. Ngayon nasa akin na tuloy atensyon ng bruha. Kainis namang Drew na ito.

"Nothing. Let's go. Tinatamad na ako dito." Tamad na sabi ni Drew at saka tumayo.

Tumayo na rin sila Ivan at ready na umalis.

"Wait!" Sabi ko nung tumayo na ako. Bumaling ako kay Drew. "Akin na!" Nilahad ko ang kamay ko para ibigay sa akin yung tissue.

"Ang alin? Yung sagot sa Physics? I'll give it to you bukas. Meet me here alone. See yah~"

"Wait!" Hays! Iniwan nila ako ditong lugmok. Ano kaya yung sinulat ni Ivan sa tissue? Kainis na Drew ito!

To be continued...

Corrected By  ( On going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon