Chapter 7 : Charot

124 8 13
                                        

Luvs, please support me sa dreame. Habang naghihintay kayo ng update dito. Basahin niyo muna ang mga kumpleto kong storya sa dreame app. Search niyo lang din ang username ko. Same lang naman. yaelskii. Maraming salamat sa susuporta. Love you all, Luvs.

Chapter 7 : Charot

Isha's pov

"Hindi po muna ako papasok, Ma, Masama pakiramdam ko." Pagsisinungaling ko.

"Oh sige, Basta tawagan mo ako kapag may kailangan ka ah? Uminom ka ng gamot mo ah, Alis na ako." Umalis si mama sa kwarto ko at sinara ang pintuan.

Bumangon ako at binuksan ang cellphone. Nag text ako kay Darria na di ako papasok today. Mga limang reply ang nagawa niya. Kinakamusta kung ano bang nangyari sa akin kahapon kung bakit daw ako nag halfday. Sos! Isa rin ba siyang bato? Alam kong alam nila kung bakit at anong dahilan ng pag absent ko ngayon.

Gusto ko lang naman magpahinga. Sobrang stress na ng puso ko. Siguro kailangan kong maglibang muna para makalimutan yung kahapon.

Darria's Pov

(Darria's Portrayer)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Darria's Portrayer)

"Hindi daw makakapasok si gaga. Masama daw pakiramdam."

"Oh, Hurt feelings? Duh! Ikaw ba naman basted-in sa harap ng maraming tao?" Maarteng sabi ni Sammy.

Hinampas ko nga ng notebook sa ulo. "Siraulo ka. Kita mong nasasaktan kaibigan natin gaganyan ka pang animal ka."

"Okay, I get it. So ano gagawin natin? Mukhang di rin papasok si Chacha, e. Masama rin daw pakiramdam."

So naging code na yong 'masama pakiramdam' para sa salitang 'broken hearted' Si Isha na lang kasi ang di nakaka alam na may gusto si Chacha kay Drew na may gusto naman sakanya. Last week lang din nalaman ni Sammy na may thing si Chacha kay Drew. Kaloka,Teh. Buti na lang talaga healthy love life ko.

Harot harot ko talaga. Speaking of, Ayan na si Kurt ko with his gang na kada papasok ng classroom akala mo may naka lagay na signboard sa mga uluhan nila na may nakasulat na "choose your fighter" Para silang tanga kada nakikita ko silang ganon. Duh? Not cool for me. Ano ako inday na mag lalaway kapag may papasok na mga gwapo? Big NO! Pero gusto kong lawayan si Kurt. Charot lang.

Pero ang mas napansin ko ay si Ivan na para bang may hinahanap na tao. I bet si Isha iyon. Tukmol din kasi tong si Ivan. Alam naman niya na may gusto sakanya yung tao, Ipahiya ba naman?

Durog na nga puso ni Isha sa pang ssnob niya papahiyain niya pa sa harap ng maraming tao? Abnormal yata tong si Ivan, e.

And I'm right. He's staring at Isha's seat. Nang magtama naman ang mata naming dalawa ay 'di ako nagdalawang isip na irapan siya. Napakunot ang noo niya doon. Hindi niya alam kung gaano kasakit yung mga salitang binitiwan niya kay Isha. Yes, Crush siya ng tao pero hindi naman dapat ganoon ang trato niya dito na para bang may malalang sakit si Isha para pagtabuyan diba?

Corrected By  ( On going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon