Isha's POV
OMG! First day of school bilang fourth year highschool. Mukhang male-late ako nito! Nagmake-up pa naman ako ng napaka-tagal. Well, Hindi ko na naman kaylangan ng make up kasi super pretty ko na. Pero yun nga eh, Ang pretty ko naman pero bakit hindi ako mapansin ng superr duper crush ko mula nung 1st year pa lang. But then again balik tayo sa late something ang tagal naman kasi umusad ng kotse. Mga 1hr na siguro. Ano kayang section ko? 1 kaya? No. Malabo kasi mahina yung kokote ko. Alam na this. Pang huli ako ang section ko nito. Lagi naman.
Nag madali akong pumasok ng campus ng nakarating na ako.
"Excuse me, Excuse me!" Sabi ko sa mga studyanteng abala rin sa pagtingin ng kanilang section sa isang board.
Nagsimula akong tumingin ng pangalan ko sa pinaka last na section. "Aba, Hindi ako last section." Sabi ko sa sarili. Hindi ko kasi nakita ang Isha Mae Mendoza. Nakakapanibago. Hinanap ko uli ito sa pangalawa at pangatlo sa huli pero wala. Huh? Higher section na ako? Matalino ba ako nung 3rd year? Parang hindi naman. Kasi ang pagkaka-alam ko ay nag-cut ako ng klase one time noon kasi ayoko ng math. Past isa past naman kaya 'wag ng balikan.
"OMG! SECTION 1 ako ngayon! Shems!" Sigaw ko na paunti unting humina nung nalaman kong nasa maraming tao pala ako ngayon.
Paanong nangyari? Oh no! Mag kumare nga pala yung mama ko pati ang principal dito. Nakakahiya naman si mama. Edi kaklase ko si.. Agad kong hinanap yung pangalan ng crush ko.
"King Ivan Flores." Pagbigkas ko sa nabasa. "Shems!" Sabi ko sa kilig.
OMG! OMG! The feels. Kaklase ko siya. So heart heart. I'm gonna die! I'm Gonna die! King Ivan. Oh, Ivan na lang ayoko ng King kasi ang corny. Anyway nagmadali akong pumunta sa room ng section 1. kinumpirma ko muna na nakapabilang talaga ako sa section na ito. Tiningnan ko yung mga names na nakapaskil sa pintuan ng room. Nakita ko ang Isha Mae Mendoza. Connfirmed! Section 1 is me. Masaya akong pumasok sa room.
Nakita ko pang pinagubulungan ako ng mga datihan na sa section na ito. Never mind! Atleast kasama ko naman si Ivan sa room na ito. Hinanap ng mata ko si Ivan. Wala pa siya. Umupo ako ng konikilig. Kyaah! Oh kyaaah? Ito ba ang isinisigaw kapag kinikilig? Yiiih na lang kaya. Yiiiih! Kaklase ko siya. Saan kaya siya uupo? Sa tabi ko kaya? Yiiiih! I'm so kiligs.
Nag-bell na hudyat na magsisimula na ang klase. Unti unti ng napupunuan ang room. Kinakagat ko yung labi ko dahil sa kilig. Ba't ang tagal naman niyang pumasok? Nagsipasukan n lahat ng girls pero siya wala pa rin. Nakita kong pumasok na yung ibang lalaking akala mo,eh oh so boy next door. May mukhang flappy bird. Yung isa ang daming hikaw. Parang hindi section 1. Pumasok na yung mga so-so na lalaki, Yung mga maiitchura. Sunod na dito si Ivan malamang.
Shems! Biglang bumagal yata ang oras nung pumasok na siya. Yung heart ko nagwawala. OMG! I'm so in love with this guy! Oh, English 'yan mga p're. Why so handsome, Ivan? Bigla siyang umupo sa kabilang row na kung saan ay boys only. Sa tapat ng upuan ko. Yiiih! As i Ayiiih! Kilig ako. Pinili niya ba talaga diyan dahil para makita niya ako? Waaah!