Chapter 6 : Hurt

112 7 11
                                    

Chapter 6 : Hurt

Isha's Pov

( Isha's Portrayer)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

( Isha's Portrayer)

**

Linggo ng tanghali ay sinunod ko sinabi ni Drew na makipag kita sakanya dito sa Mall. Para lang sa tissue? Why not, May sinulat si Ivan doon na kailangan kong malaman.

"You're here." Bungad niya.

"Give it to me." Nilahad ko ang kamay ko para iabot niya sa akin yung kapirasong tissue.

Sa halip na ilagay niya sa palad ko ang tissue ay hinawakan niya lang ang kamay ko at saka sapilitan na pinaupo.

"Ano ba?!" Reklamo ko.

"So crush mo si Ivan? Paano 'yan crush din kita? Masasaktan ako niyan." Hindi siya padalos dalos ano? He's not even cute while pouting.

"Uncrush me duh? Para lang ako kay Ivan." Ganito linyahan ko kapag may nagtatapat sa akin. Like, Yah know. Pretty ako e.

"Ouch naman! Napakasakit naman non. Di ka rin sadista ano?"

"Anong sadista don? Sinapak ba kita?"

"Oo. Di lang sinapak. Dinurog mo puso ko. Kaya kailangan mong ayusin. Date tayo. Manood tayo ng Hi, Love, Goodbye dali."

Napataas ang kilay ko. Ang bilis niya naman kumilos. Sana ganito rin si Ivan. Hays.

"Alam ko Hello, Love 'yon. Shunga nito. Amin na kasi yung tissue para goodbye na!" Naiinis na ako. Parang gusto kong saktan pinsan niya.

"Nah. Date muna tayo bibigay ko ito." Pinakita niya yong tissue. "Ops. Not so fast, Baby." Sabi niya ng balak kong agawin yung tissue. Binalik niya na tuloy sa bulsa niya. Kainis!

"Ano ba kasi kailangan mo?!" Inis kong turan.

"Be mine." Ngumiti siya ng napakatamis. Ang ganda ng sinabi niya pero walang kilig. Kung si Ivan nagsabi niyon siguro sinugod na ako sa Hospital.

"This?" Tinuro ko ang bandang puso ko. "It's Ivan's. You know what? Sa'yo na yang tissue. Pamunas mo na lang sa pwet mo. Goodbye!"

Mabilis akong tumayo at saka naglakad ng mabilis. Naririnig ko pang tinatawag niya ako pero di ko pinapansin. Sa tingin ko hindi magiging maganda ang school year na ito kung nandiyan yang Drew na iyan. Nakakainissss!

**

Lunes ng umaga ay tumambay muna ako sa canteen. Hinihintay ko si Ivan na mag kape o kumain. Pero parang walang darating na Ivan today kasi malapit na ang first subject naming. Ngayon lang yata siya pumalya sa pag punta dito every morning.

"Neng may pulbo ka?" Bungad ni Sam ng pagkaupo ko sa silya. Pero ang napansin ko ay wala pa rin si Ivan sa upuan niya. Late ba siya?

Paglingon ko kay Sam ay kinakalikot na yong bag ko. Walangya talaga.

Corrected By  ( On going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon