Chapter 17

897 39 5
                                    

Chapter 17 

Heavy. That's the word I could describe that surrounds in my chest. Every time I wake up, my mind won't stop reminiscing what happened. I remember it all too well. His words, expression, and voice. It was all tattooed in my brain, and I don't even know how I was able to sleep every night with my chest being heavy.


Kanina pa ako gising at imbis na bumangon para maghanda sa trabaho ay heto ako ngayon, nakikipagtitigan sa kisame habang inaalala ang mga salitang narinig ko galing kay Paris ilang gabi na ang nakalilipas. Pagkatapos ng gabing 'yun ay naging tikom na ang bibig ko, ni kahit pagtawag sa pangalan niya ay hindi ko ginawa, takot nab aka mapagsabihan ulit ako at makaistorbo. Hindi ko na nagawang umimik kahit kailangan ko siya.


Natigil lang ang pakikipagtitigan ko sa kisame nang biglang tumunog ang alarm clock ko. Ilang beses na kumurap ang mga mata ko, sinusubukan na ipunin ang diwa bago harapin si Paris muli. Mas mabuti na lang ba na manahimik ako? Mas gugustuhin niya ba 'yun?


I sighed and rubbed my forehead because of frustration. I've been lacking sleep for days already, which is not good for my body. My schedule for this week is hectic, so I need more sleep, but I just can't.


Kahit gusto ko pang manatili sa kama ko ay bumangon na ako dahil may fashion show akong kailangang puntahan. Ang akala ko mapapapayag ko si Paris na sumama pero sa sitwasyon namin ay malabo. Itutuon ko na lang siguro muna ang sarili ko sa trabaho. Kung ano man ang nangyayare dito sa bahay ay hanggang dito lang 'yun... Hindi 'yun puwedeng makaapekto sa trabaho ko.


I was about to go straight to the bathroom when my eyes slid to Paris' lab coat. I stopped and stared at his lab coat, and as my gaze lingers on it, another memory flashed in my mind... The stain, the red stain on the collar of his lab coat.


Stop thinking about it, Rigan.


I squeezed my eyes shut and reminded myself that I should not be bothered by it. It doesn't matter... It should not be a big deal. When I opened my eyes, hoping that my mind would be at ease, however, another thing caught my attention.


Nanliit ang mga mata ko at makailang beses pa akong kumurap kung tama ba ang nakikita ko. Dahan-dahan akong lumapit sa lab coat ni Paris at kinuha ang bagay na nakita ko. Maingat ko itong tinanggal sa lab coat ni Paris at nung makita ang kulay nito ay hindi na napigilan ng isipan ko ang maglabas ng mga negatibong salita.


It was a strand of hair colored in brown. It was long and thin.


My lower lip trembled, and my vision started getting swirly. Should I be bothered by this strand of hair? But it feels stupid that I'm making such a big deal in just a strand of hair. This is frustrating me! I'm overthinking once again. I should really stop being observant because it's not good for me anymore.


When I heard the door opened, I immediately dropped the strand and acted as if nothing happened.


"Kain na," pag-aya sa akin ni Paris. Kinakausap niya na ako pero ako naman ang umiiwas ngayon. Kahit pagtango lang ay hindi ko ginawa, bagkus dumiretso ako sa banyo para ayusin muna ang sarili ko. Sa pagpasok ko ng banyo ay dala-dala ko pa rin ang bigat na ilang araw ko ng kinikimkim at hindi ko alam kung hanggang kailan ko pa ito makakayang itago.

Through Fatal Silence (High Class Issue Series #5)Where stories live. Discover now