SELENE's POV
"Selene, awat na sa kakapanuod ng kasal ng mommy't daddy mo. Memorize mo na 'yan eh." tawag pa sakin ni Nanay Jen sa kusina habang nandito ako sa sala
"Nay, pwede sainyo muna tayo matulog mamaya?" napahinto nalang ako sa panunuod at naisipang pinatayin yung tv tsaka binalik sa lalagyan yung CD
"Happy 18th birthday Selene Miracle!" bungad niya pa sa harap ko habang may hawak hawak na box tapos may tatlong cupcake sa ibabaw. Pumikit muna ako at nagwish bago ko hinipan ang mga maliliit na kandilang 'yon.
"Salamat Nay!" agad ko naman siyang nilapitan at niyakap ng mahigpit, sinuklian niya naman ako ng matamis na ngiti
"Pinabibigay ng mommy mo, binilin niya 'yan sakin noon pa."
Isinantabi muna namin yung cupcake tsaka ko inilapag sa dalawang hita ko yung box na 'yon. Doon may nakita akong dalawang libro, "Kaka-Wattpad 'Mo 'Yan" "Ma Moitié", tsaka may isang photo album, CD's and flashdrive.
"Ano ho ang mga ito?" inosente ko pang tanong sa kanya at sinimulang buklatin ang mag iyon isa-isa
"Yan ang mga alaala ng mga magulang mo, sinulat pa yan ng Daddy mo para sa Mommy mo." turo niya pa doon sa isang libro, mararamdaman mo talaga ang paghanga niya pagkatapos niyang sabihin ang huling linya na yo, "eto naman yung sa lolo't lola mo, sa side ng Mommy mo." turo niya sa isa pa. "Manunulat ang lola mo tapos ayan sinulat niya 'yang libro para mabasa ng Mommy mo sa mismong birthday niya rin kagaya ng edad mo ngayon."
"Ayan namang lalagyan ng mga litrato, nung graduation tsaka litrato nila 'yan pagkatapos nila ikasal. Tsaka yang isa, di ko na alam kung ano ang laman ng mga niyan."
"Ay sige po Nay, salamat po sa pagtago neto." tumango lang siya at hinaplos niya naman yung buhok ko
"Ang laki mo na kaagad, ang bilis lang ng panahon. Dati Mommy't Tito mo lang ang inaalagaan ko."
"18 years na rin po silang nawala dahil sakin." Napasandal nalang ako sa balikat niya at hindi ko namalayan na nagsimula na palang tumulo ang mga luha ko
YOU ARE READING
GENERATION SERIES #3: Hunting The Moon
Short StorySelene Miracle Sebastian, a girl who only lived after the tragic tragedy, equalled herself as a useless existence living in the midst of darkness. She met a few special people who guided her as she grows older. But still, she constantly longing for...