Part 10

4 0 0
                                    

SELENE's POV

Hindi ko na alam kung ano ang nangyari sakin. Ang alam ko lang ay nakahiga ako ngayon sa kama sa loob ng isang puting silid at tanging ilaw tapat nito. Saglit ko pang iginala ang mata ko. Dextrose Stand. May sofa sa isang gilid at may side table rin. Tapos may telepono sa medyo itaas na parte ng side table. 

Agad ko pang chineck ang kamay ko.

 

 

Wala namang dextrose. Anong ginagawa ko dito?

Kinapa ko pa ang noo ko. 

 

 

Ano 'to? KoolFever?

 

 

Nasa hospital ba ako?



Sandali pa akong nakarinig ng ingay sa labas. At maiging pinakinggan iyon.


"Mauna na muna ako. Ako na bahala mag-abot sa instructor namin ng medical certificate niya." Ani ng isang pamilyar na boses


"Sure, salamat ulit Jude." Jude? Parang kaboses ni Aster 'yon ah.


"See you around bro!" sigaw pa ng isang boses na nasa labas


"Hoy Kiel ang ingay mo, nasa clinic tayo pre."



Confirm. Sila Aster nga.



"Ay sorry pre. Nakalimutan ko. Hehe." Sabi pa ni Kiel


"Pre, okay lang. Sanay na ako e." Tugon pa ni Aster


"Alam mo pre, curious lang ako ha? Pano nakilala ni Selene ang dalawang 'yon? I mean, nagbakasyon lang tayo tapos ganon ganon na lang? Nakakapanibago pre."


"Miski nga ako nagulat rin nung una. Lalo na nung nagdala siya ng lalaki sa bahay."


"Ha?! Lalaki?! Gago, sino?" napalakas pa ang boses ni Kiel


"Boses mo pre. Pag tayo nakick out dito, yari ka talaga sakin."


"So, sino nga?"


"Si Jude." 



"Gago, do'n natulog? Ano sabi nila Tita't Tito?" 


"Hoy hindi! Kahit ako hindi rin ako papayag. Di ko alam kung anong nangyari, nadatnan ko nalang siya na nandoon. Tapos pinahatid sakin ni Selene pag-uwi."



"E bakit daw nandoon? Di mo man lang ba natanong si Selene?" ani pa ni Kiel kaya naman napagdesisyunan ko ng lumabas ng room kahit na medyo nahihilo pa ako.




"Daldal mo Kiel." Bungad ko sa kanila habang nakasandal sa pinto 



"Seleneeee! Namiss kita."  sumigaw pa siya at lumapit sakin para yakapin ako



"Namiss ka ba? Biro lang hahaha namiss rin kita, alam mo yung ingay mo abot doon sa loob." Tinapik ko pa ang balikat niya. Masasabi kong bukod kay Aster, isa si Kiel sa mga taong komportable ko na kung kausapin. Hindi sila mahirap pakisamahan kasi parehas lang naman silang baliw minsan.




"Kumusta? Okay na ba pakiramdam mo?" pormal na tanong ni Aster





"Okay na rin naman, medyo nahihilo nga lang. Tanggalin ko na kaya 'tong—"






GENERATION SERIES #3: Hunting The MoonWhere stories live. Discover now