JUDE's POV
Pagkatapos noon ay dali dali akong inasikaso ng mga ale doon. Pinahiram muna nila ako ng damit, may kaedad raw kasi akong nakatira don. Winashing nila yung uniform ko sa café at tsaka drinyer para mabilis matuyo. Pinainom rin nila ako ng mainit na kape tsaka pinakain. Ayoko rin sana kumain kahit na medyo gutom na rin talaga ako kaso hindi rin ako pinayagan ng dalawang ale na kasama ko dito.
"Nako Hijo, pasensiya kana ah? Naabala ka pa tuloy. Ako nga pala si Jen, kasambahay ako dito." Tugon niya pa habang nagvavacuum doon sa sala.
"Nako, okay lang po. Inutusan lang din po ni Nanay, caretaker po ng puntod ng parents ni Sel—"
"Oh nandyan na si Sir!" aligaga pang pumunta sa labas yung isang ale kaya naman napasunod na rin yung mga mata ko kung nasaan sila
"Dahan dahan lang Manang Delia!" sigaw naman ni Aling Jen tsaka sinundan siya neto
Kinapa ko pa yung bulsa ng short na gamit ko.
Ba't ba kase nakalimutan ko na dala ko pala cellphone ko? Ayan tuloy nabasa na, hindi na nag oopen. Tch.
Pansin ko naman na kumuha sila Aling Jen at yung Delia na tinawag niya ng payong at pinuntahan yung isang van na puti sa labas ng gate. Masasabi kong may kaya talaga ang pamilya nila kaso hindi lang sila masyado halata sa school kasi halos lahat naman ata kagaya nila maliban lang sa akin. May ilan pa silang kotse sa gilid ng bahay pero nakakapote iyon, nakita ko kanina sa garahe. Sa tingin ko yun yung sa mga pumanaw na mag-anak ni Selene.
"Magandang gabi ho, sir Lester." Rinig ko pang bati ng dalawang ale doon sa labas kasabay ang mga mumunting tinig ng mga bata
YOU ARE READING
GENERATION SERIES #3: Hunting The Moon
Historia CortaSelene Miracle Sebastian, a girl who only lived after the tragic tragedy, equalled herself as a useless existence living in the midst of darkness. She met a few special people who guided her as she grows older. But still, she constantly longing for...