SELENE's POV
"Aba! Ang ganda naman pala ng sulat mo Kenzo." Sabi pa ko pa kaya naman napalapit sila Aster at kambal para tignan ito.
"Mas malinis pa kaysa sakin eh. Hahaha. Tignan mo oh, may kasabay ka naman pala kumuha ng ID Kenzoboy. Sky Oliver Larson, naks! Gara ng pangalan ah." Tugon pa ni Aster habang nananatiling nakatitig doon sa log book
Hindi nagtagal, dumating na rin yung ID card ni Kenzo. Agad naman siyang binigyan ng lace ng nagmamanage na babae doon.
"Oh ayan na Hijo. Kay pogi namang batang 'to." Ani pa nito habang hinawakan naman sa pisngi si Kenzo
"Thank you po." sabi pa ni Kenzo sa kanya
"Walang anuman sainyo. Sige na, baka magbell na." hinatid naman kami nito sa may labasan ng room
"Mauuna na po muna kami, Ma'am." Paalam pa ni Aster tsaka niya naman hinigit yung kamay ng kambal at nagpauna na kaming naglakad pabalik sa Elementary Department habang nasa likod namin sila.
"Ate Selene, ma'am din po namin siya?" tanong pa ni Janine, ngumisi nalang din kami
"Hindi naman sa ganon, Janine. Hindi lahat ng tao na tinatawag nating ma'am or sir ay teacher natin dito sa school. Paggalang ang tawag doon. Kahit ano man yung katayuan nila sa buhay, deserve nilang itrato ng tama at naaayon sa lahat ng klase ng trabaho gaya ng mga parents natin." Paliwanag ko pa sa mga bata
Yun kasi ang tinuro samin nila mommy't daddy na dapat sa lahat ng taong makakasalamuha namin, dapat matutunan naming ilugar ang mga sarili namin lalo na sa mga nakakatanda.
"Kaya pag may nakakasalubong kayong janitor, guard or kahit bantay pa sa canteen 'yan, always call them ma'am or sir ha?" ani pa ni Aster na nananatiling kabit kabit ang kambal
YOU ARE READING
GENERATION SERIES #3: Hunting The Moon
KurzgeschichtenSelene Miracle Sebastian, a girl who only lived after the tragic tragedy, equalled herself as a useless existence living in the midst of darkness. She met a few special people who guided her as she grows older. But still, she constantly longing for...