Part 8

27 0 0
                                    

ASTER's POV







"Heh! Sige na, ihatid mo na siya. Sabi mo eh." Sabi pa ni Panget tsaka iginaya pa yung lalaking kasama niya papunta sa gawi ko.





Agad ko naman na tinungo ang kotse ko sa labas at inistart ang engine. Napansin ko rin na sumunod pa si Panget sa labas.




"Ingatan mo 'yan ah! Ingat!" sigaw nito sa labas ng kotse tsaka tinap ang gilid nito.






Kasalukuyang kasama ko ngayon sa loob ng kotse iyong lalaki. Nananatili ang katahimikan na namumutawi sa pagitan naming dalawa. Medyo awkward nga siguro kung tutuusin. Palihim ko pa siyang sinilip sa rear mirror ng kotse, parang may kakilala akong ganyang mukha. Hindi ko lang matukoy kung sino at saan ko nakita.




Have we met?





Pilit kong inalala kung saan ba kami nagkita ng lalaking ito habang nasa daan pa rin an atensiyon ko. Medyo lumalalim na rin ang gabi at medyo may kalayuan nga ito sa amin.





"Diyan mo nalang ako ibaba sa gilid." Sandaling nabasag ang katahimikan sa sinabi niyang iyon, gaya ng sinabi niya iginilid ko rin ang kotse ko. Napatingala pa ako sa building na nasa gilid namin.






Isang malawak na two story building na black and white theme at halos salamin ang pader nito. Andami ring mga halaman na nakakalat sa loob at labas ng gusali, kaya naman napakarelaxing tignan. May nasilip rin akong nagtataasang book shelf sa loob at mga sofa doon sa gilid. Masasabi kong perfect masyado for all ages ang lugar na ito.





COFFEE-teria? Café na, cafeteria pa? Naks!





Talaga nga namang sinimplehan lang ang pagkakapangalan ng may-ari nito.

GENERATION SERIES #3: Hunting The MoonWhere stories live. Discover now