Part 3

31 1 0
                                    

ASTER's POV





"Narinig mo ba yung sinabi nila?" bulong ko pa kay Selene kaya nabaling naman ang atensiyon niya sa mga babaeng nakatingin pa rin samin, "Inggit na inggit sila sa'yo HAHAHA hay buti nalang talaga may gwapo kang kapatid."





Tinitigan niya lang sako sa mata at saka binigyan ng nakakapanuksong tingin at nagpaunang lakad.




"Hoy Selene! Antayin mo 'ko!"






Hinabol ko siya ng hinabol, medyo pumukaw naman ako ng eksena sa mga tao sa mall. Patuloy pa rin kaming pinasadahan ng tingin lalo ng mga ng kababaihan doon.




"Gotcha!"




"Heh! Alis ka nga dyan, baka kung ano na naman masabi mo."




"Ay hala siyaaa, tampo yarn kapatid? Tara libre kita ice cream!" hinila ko naman siya papunta doon sa isang ice cream store




"Ikaw talaga minsan dinadaan mo lang ako sa mga pa-ice cream o chocolates mo. Alam na alam kase eh." Panduduro niya pa sakin at tsaka naman siya tumawa




"Baka kapatid mo ko, kaya alam na alam ko na lahat sa'yo?"




"Oo na, oo na. Alam na kung alam. Ceasefire na." Saka niya pa tinaas ang dalawang kamay niya




"Here's your order ma'am and sir! Thank you, come again." Sabi pa ni ate at bigla namang nagsulputan sa likod niya yung iba pang babaeng staff doon




"Thank you po ate!" sabay sabi pa naming dalawa




GENERATION SERIES #3: Hunting The MoonWhere stories live. Discover now