Part 2

49 3 0
                                    

SELENE's POV




Naiwan na nga akong nakatunganga doon habang pinagmamasdan ko silang mag-ina na pumunta sa bahay nila. Matagal na akong dumadalaw dito sa sementeryo at madalas rin akong tumambay sa mga bahay nila pero bakit ngayon ko lang siya nakita? Papaalis na sana ako nang may tumawag sa pangalan ko.




"Hoy Miss!" rinig ko pang sabi si Jude sa hindi kalayuan kaya napalingon naman ako at binigyan siya ng 'what' face. Dali dali naman siyang tumakbo papunta sakin




"Yes?" sabi ko pa at tsaka sumilong muna ako sa ilalalim na puno. Hingal na hingal naman siya na dumating sa harap ko at pilit na ikinalma ang sarili.



"W-Wala n-naman." Nakapamulsa pa niyang sabi habang patuloy pa rin sa paghabol ng kanyang hininga




Ha? Tinawag-tawag niya ako't tumakbo siyang lahat lahat tapos sasabihin niya lang na wala lang? Nababaliw na ba siya?




"I see, sige mauna na muna ak—" tumalikod na ako ngunit nadakip niya pa ang braso ko sa madaling segundo, "S-Sandali!" pagpipigil niya pa sakin na hawak na niya ngayon ang kaliwang braso ko, hinarap ko siya ulit at tinanong,




"Ano 'yon?"




Saglit mo pang makikita sa mukha niya ang bakas ng pagkataranta, "Yung kanina. P-Pasensiya kana kanina." Napako pa ang atensiyon niya sa kamay niya na nakahawak sakin kaya binitawan niya na ito kaagad at huminga muna ng malalim, "M-May request lang sana ako? K-kung p-pwede?"




Inayos ko ang tindig ko sa harap niya at tinitigan siya sa mata, "P-pwede bang huwag mong sabihin kay Nanay yung tungkol kanina? Kasi ayoko siyang mag-alala pa sakin. Yun lang naman." Napayuko pa siya pagkatapos niyang masabi ang mga 'yon.




"Bakit may atraso ka ba sa mga lalaking 'yon?" tanong ko pa sa kanya



"Oo, pero aayusin ko naman 'yon. Hindi nga lang ngayon."




"Eh kailan? Kung kailan nabaril kana? Kung kailan namatay kana? Nag-iisip ka pa ba?" singhal ko pa sa kanya kaya naman sandaling napatitig siya sa akin

GENERATION SERIES #3: Hunting The MoonWhere stories live. Discover now