Grandfather
I wasn't surprised anymore when our workload became a lot heavier than the previous weeks. It must have been Art who loosened his grip on Ma'am Josy about taking things easier for us. Hindi ako nagreklamo kaya mas naging mabigat ang pinapagawa, at mas naging istrikta si Ma'am Josy. I asked for this, and he gave it to me right away.
Napatalon kaming tatlo nila Carylle at Belle nang biglang tinaplak ni Ma'am Josy ang pagkakapal-kapal na tumpok ng papel. Namilog ang mga mata ko nang napagtanto kung ano ang sadya niya.
"I need you to make a summary of these papers. These are the minutes of the consecutive meetings we held last week. I need the papers before your dismissal," she gave us a warning glare before she went back to her office.
Carylle scoffed in disbelief. Hindi pa kami tapos sa pinagawa niya kaninang umaga at may bago na naman. But then... you asked for this, Therese, right?!
Halos maiyak ako nang pinaghatian namin nila Carylle at Belle ang gawain. They still feel so strongly against me but we have to collaborate harmoniously. Otherwise we won't be able to finish this pile of paper work.
"Oh my gosh," napahilamos ako sa aking mukha nang hindi malaman kung ano ang uunahin.
"Bakit sa mga movies na napanuod ko, nagbibigay lang ng kape?!" Belle lamented.
Kung noon naiinis ako kapag nagrereklamo sila, now I somehow feel for them. Ganoon pa man, sinimulan ko na rin agad ang trabaho ko. Nanatili silang nagrereklamo habang ako'y nagsisimula na.
I may have got in this internship through an easy pass but I certainly won't have an easy exit. At the same, I want to prove myself that I am capable of exceeding my limits. I am trying to go out of the box, no matter how slow.
Alas tres pa lang ng hapon natapos ko na ang parte ko. Halos nangangalahati pa lang sila Carylle at Belle at dahil magkakasama namin itong ipapasa, wala akong choice kundi tulungan din sila para hindi kami mapagalitan. I took some of their parts and worked on it. Mabuti na lang at trenta minutos bago ang dismissal namin, naiforward na namin sa email ni Ma'am Josy.
Nagliligpit na kami ng gamit dahil may dadaluhan kaming workshop sa school nang biglang lumabas si Ma'am Josy, nakapamewang na pinanuoran kami.
"Get inside my office. Now!"
Carylle groaned loudly. Isang marahas na buntong hininga na lang ang pinakawalan ko bago nauna nang pumasok sa opisina ni Ma'am Josy. Nakakahiya dahil glass walled ang opisina niya, at may mga iilang empleyado na nanunuod sa amin sa loob.
"Are you taking this internship lightly?! I gave you enough time to pass these papers and you'll give me this kind of work?!"
Napayuko kaming tatlo. Nasisiguro ko na maayos naman ang gawa ko. But I'm not so sure about their work. Sa sobrang ngarag kanina, hindi ko na rin naicheck.
"Who's assigned on this part?"
Ipinakita niya sa amin ang file na sinend namin. I bit my lip when she pointed at my part. My heartbeats overlapped with one another. Oh my goodness, did I not do it right?!
"S-Sa akin po, Ma'am..." halos mapapikit ako.
I braced myself for her shout but a heavy sigh only came. Nakayuko pa rin ako at napaangat ng tingin dahil sa sunod niyang sinabi.
"This part is... good enough," halos umusok ang ilong niya nang sinabi iyon.
Pero taliwas iyon sa sayang naramdaman ko. Nabuhayan ako ng loob at hindi napigilang sumilay ang ngiti sa aking labi. But then I bit my lip when she reprimanded Carylle and Belle. Hindi sila pinayagang umalis ng opisina hangga't hindi nila naaayos ang gawa nila, samantalang ako ay pinayagan na.
BINABASA MO ANG
Embers From Within (Casa Fuego Series #6)
RomanceIn spite of his family name, Articus Theoden Divinagracia managed to become a self-made businessman. He is acclaimed for his steadfast rise in the business industry which makes it unsurprising that his women of liking are the successful and independ...