Date to Marry
"What the hell is Russ up to? He's been interrogating Art for an hour now!" I snapped when my patience had completely ran out.
Napatayo na ako mula sa pagkakaupo sa isa sa mga wooden bench sa aming hacienda pero muli akong hinila ni Emy pabalik sa pagkakaupo. Mula sa malayo, tanaw ko sila Art at Russ na nag-uusap sa balkonahe ng main house ng hacienda. I am all but calm, especially seeing Russ so serious as he talked to my boyfriend for God knows what topic.
"Hayaan mo na muna sila. Hindi mapakali kanina si Russ habang kumakain kami ng umagahan. Kung hindi mo pagbibigyan, kukulitin ka n'yan."
I sighed and settled down when I realized Emy is right. Nakatingala ako sa balkonahe at medyo gumaan naman ang pakiramdam nang nakitang humalakhak si Art. Kanina kasi mukhang sobrang masinsinan ng usapan nilang dalawa kaya kinabahan ako.
It's rare sight to see Art and Russ together. May ibang grupo kasi si Russ kaysa kay Kuya Eros. Close si Kuya Eros kanila Kuya Conor, Kuya Brooklyn, at Art. They all have one common denominator: they love yatch parties or any wild parties in general especially when they were in college. Close naman si Russ kanila Kuya Emerson at Kuya Julius. The three of them are not fond of high profile parties, but are into extreme sports.
"This is why I still have no idea how to tell my family I now have a boyfriend. Bukod sa natatakot ako sa reaksyon nila, medyo naiilang din ako," pag-amin ko.
Emy chuckled. "Kailangan nilang tanggapin na hindi ka na bata. At hindi ba matagal naman nang alam ni Donya na gusto mo si Art? Wala nang problema kay Donya. Si Senyor na lang talaga ang paghandaan mo," she teasingly scared me.
Tumawa ako at marahang hinampas ang kanyang braso. Kailangan ko nang sabihin ito sa pamilya ko sa lalong madaling panahon. I am very transparent and I don't know how long I can embargo this from them. Kailangan ko lang humanap ng tamang pagkakataon.
Halos magdadalawang oras na nang natapos si Russel sa pang iintriga sa boyfriend ko. Nang bumaba sila ay sa akin agad dumiretso si Art at hinawakan ang kamay ko. Sabay pa si Emy at Russ na taas-kilay bumaba ang tingin sa magkahawak naming kamay. Ang kay Emy, malisyosa at natutuwa. Ang kay Russ, kahit pa gaano sila kahabang nag-usap, medyo pikon pa rin.
"Uhm we're just going to take a stroll around the hacienda," paalam ko sa kanilang dalawa.
Tumango lamang si Art bilang paalam. Naglakad na kami patungo sa flower field. Nanliit ang mga mata ko nang napansin ang dalawang anino na nakasunod sa amin. Bigla akong huminto, dahilan kung bakit napahinto rin si Art at kung bakit halos matumba na si Emy sa damuhan.
Nanliliit ang mga mata ko nang nilingon si Emy at Russ na parehong nag-iwasan ng tingin. Nagkatinginan kami ni Art bago muling nagpatuloy sa paglalakad. Akala ko hindi na sila susunod pero muli kong napansin ang dalawang anino, ngayon mas malayo na ang distansiya sa amin.
"Uhm, do you guys mind?" bigla kong lingon sa kanila.
"Huh?"
"What?"
Sabay pa sila ng pagkakasabi. I glared at them. Russ glared back at me. Emy sighed and nodded when she got the message. She pulled Russ' arm away from us. Napailing na lang ako habang pinapanuoran si Emy na halos kaladkarin si Russel palayo sa amin.
"Sorry 'bout that. They're just overprotective of me."
"I know and it doesn't bother me," Art squeezed my hand to assure me.
Magkahawak kamay kaming dalawa na naglakad sa gitna ng mga hilera ng mga bulaklak. Malapit nang magsummer kaya masagana ang mga tubo niyon.
"It doesn't matter? You're not uncomfortable that it feels like you have human surveillance camera watching you around while dating me?"
BINABASA MO ANG
Embers From Within (Casa Fuego Series #6)
RomanceIn spite of his family name, Articus Theoden Divinagracia managed to become a self-made businessman. He is acclaimed for his steadfast rise in the business industry which makes it unsurprising that his women of liking are the successful and independ...