Chapter 15

3.7K 125 62
                                    

You're Special

Maang akong natulala sa kanya. "H-Huh?"

For a second, I wanted to deny it some more. Gusto kong pabulaanan sa takot na magbago ang pakikitungo niya sa akin. O kahit manlang sabihin ko na mababaw lang ang pagtingin na nararamdaman ko sa kanya. But I know it's not the case. He already knows about my feelings. There's nothing to hide anymore.

He chuckled like he realized his question was ridiculous. Umiling siya at nakapamewang na tinalikuran ako, humarap sa glass wall tanaw ang kalakhan ng siyudad ng Cebu.

"Never mind. That was a stupid question-"

"Since I was sixteen," diretsahan kong sagot.

Gulat siyang napalingon sa akin. Mabilis ang pintig ng puso ko at mabilis ang aking paghinga. I'd like to think that I'd regret this afterwards but I don't think I would. Alam na niya. Mas lalo lang akong magmumukhang tanga kung pabubulaanan ko pa.

Agad siyang nakabawi. He cleared his throat while still looking back at me.

"What?"

"I have had a crush on you since I was sixteen. Y-You were my happy crush," I chuckled nervously.

Bakas pa rin ang gulat sa kanyang mga mata, pero may isang bagay na napansin ko sa kanya. Kayang kaya niyang manipulahin ang reaksyon sa kanyang mukha para matabunan ang totoong nararamdaman. I could feel his shock but it didn't register on his face. He's the very opposite of me. I am very transparent, reason why there's no denying to this anymore.

He cleared his throat again. Namula nang husto ang aking pisngi. Hindi siya nagsalita. Wala na rin naman akong gustong sabihin pa. I smiled and nodded, pointing at the door.

"M-Mauna na ako. Sana nagustuhan mo 'yong brownies," nautal kong sinabi, ngayon pa lang tinablahan ng kaba.

"Yeah," namamaos niyang sagot. "I liked it. Thank you."

Muli akong ngumiti at tinuro na ang pinto. He nodded and took a step once but stopped himself. Suminghap ako at agad nang naglakad palabas. My shoulders squared from the intense throbbing of my heart. Kung saan ko man nakuha ang lakas ng loob ko roon, hindi ko na alam.

"O, ayos ka lang?"

Tipid kong nginitian si Belle nang nakapasok ako sa cubicle namin at agad napaupo dahil sa nangangatog na binti. Napahilamos ako sa aking mukha. Kung pwede lang talaga na isang araw gumising ako na hindi na siya gusto. Kaya lang ilang araw na ang lumipas sa ilang taon, ganoon at ganoon pa rin.

There came a point when I blamed it on my teenage daydreams. I blamed it on my fondness of reading romantic novels. I blamed it on my admiration for his successful career. I blamed it on his gorgeous face and masculinity. Pero alam ko na kung ganoon lamang kababaw ang mga rason ko, sana mas madaling mawala ang nararamdaman ko para sa kanya.

Inisip ko kanina na siguro kapag inamin ko na, mapapakawalan ko ang nararamdaman kong ito. Na siguro kapag nasabi ko na, hindi ko na mapapansin hanggang sa tuluyan nang mawala sa isipan ko. Siguro kapag inamin ko, mawawalan na ako ng panghahawakan at sa wakas, tigilan na ang kahibangang ito.

"Valentine's day sa Biyernes, ah! Mabuti na lang tanghali ang tapos ng internship at alas dos ang tapos ng klase natin, makakapagdate kami ng jowa ko!"

Nagliligpit na kami ng aming mga gamit para pumasok sa subject namin pero naririnig ko ang mga usapan nila, hindi nga lang ako umiimik. I refuse to adjust for them anymore. Bestfriend ko nga hindi ako ginaganito, kaya sino sila para hayaan kong ganoon ang trato sa akin?

"Kami rin, e, may lakad kami ng boyfriend ko. Ikaw, Therese?"

Bumaling silang dalawa sa akin. Nilagay ko ang aking iPad sa loob ng bag at sinarado na iyon. Inangkla ko sa aking balikat bago mabilisan silang sinagot.

Embers From Within (Casa Fuego Series #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon