Chapter 12

3.4K 122 47
                                    

Brotherly

Hindi na muling nagkasalubong ang landas naming sa trabaho sa mga susunod na araw. I figured it's better that way. I hope I never see him again!

Mas lalong naging abala ang department nang nagbaba ulit ng memo mula sa itaas tungkol sa proyekto. In the middle of work, I can't help but realize how big Art is now. Ang dami niyang proyekto kaya halos linggo-linggo talagang abala siya, at pati na rin ang mga empleyado niya.

I was relieved when Friday came. Finally, it's weekend and I can take a rest. O baka dahil alam ko sa sarili ko na tapos ang mga pinapagawa sa akin kaya makakapagpahinga ako nang maayos at walang iniisip na backlogs.

But then when I arrived at the office, Ma'am Josy was fuming mad. Nakita kong pinapagalitan sila Carylle at Belle sa cubicle namin kaya dali-dali akong lumapit. Nakayuko silang dalawa ngunit nakita ko ang pasipat na tingin sa akin ni Belle, tila galit.

"I assigned you these papers last Wednesday and you still haven't forwarded the papers to me! I need the papers by two in the afternoon because we will be having a conference meeting. It was only Miss Hermedilla who forwarded the papers to me last night!"

Napatingin sa akin si Carylle, matalim ang mga mata. Oh my goodness, don't tell me they aren't done with the papers? Kagabi ang ibinigay na deadline sa amin noon at naipasa ko agad. Hindi sila nagpasa?

"Are you taking me easy? For your information, I am not being too hard on the three of you because Sir Art asked me to take it easy on you. Binabawasan ko na nga ang mga gawain niyo dahil bilin din sa akin 'yon! This is the least you can do! All the interns before you even had it worse!"

Maging ako ay napayuko nang tumaas ang boses niya. Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa department dahil sa galit ni Ma'am Josy.

"I need the papers by ten and if you fail to forward it to my email, I'll see you out!" she said in a thundering voice before slamming her office door.

Pagkapasok niya ay agad nag-angat ng tingin sa akin sila Carylle at Belle. For a moment, it amazed me how their glare insinuated that I was at fault.

"Nagpasa ka? Hindi ba napagkasunduan natin kahapon na h'wag ka munang magpapasa dahil hindi pa nga naming tapos?" Carylle fired at me.

"Carylle, I never agreed to that," mataman kong sinabi.

"Yeah! That's the point! Masyado kang bida-bida!" she exclaimed.

Padabog siyang umupo sa swivel chair at nangangarag na sinimulan ang gawain sa desktop. Wala naman akong kasalanan pero na-guilty pa rin ako. I couldn't concentrate on my work dahil nagdadabog sila. So much for trying to get along with everyone. I have never imagined my internship to turn out this way!

Naipasa rin naman nila ang pinapagawa saktong alas diez ng umaga. They sighed in relief, meanwhile, I was still feeling guilty while looking at them. Inisip ko ilibre sila sa cafeteria kaya hinarap ko sila.

"You guys are stressed. If you can't go to the cafeteria, I'll just b-buy food for us. It's my treat!" I tried to sound jolly.

"Sa tingin mo gusto pa naming makipag lunch sa 'yo? Halika na nga, Belle..."

They took their wallets and left me alone there. I sighed heavily. Huli ko nang napansin na nakatingin pala sa amin ang karamihan ng mga empleyado. Sa sobrang pagkapahiya ay kinuha ko ang wallet ko at dali-daling lumabas ng office.

Dire-diretso ang lakad ko palabas, hindi na tinitignan kung sino ang mga nakakasalubong kaya naman nang may biglang humawak sa aking braso at bahagya akong hinigit pabalik, wala sa sarili akong napamura. Nang nag-angat ako ng tingin, nagulat ako nang makitang si Art iyon!

Embers From Within (Casa Fuego Series #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon