BOBONG PUSO

0 0 0
                                    

BOBONG PUSO

Ilang beses Kita ginustong iwasan
Ilang ulit ako nagtangkang lumisan
Ilang pagkakataon naba ang sinayang
Pagkakataong ikaw Sana ay iwanan.

Ngunit ayaw makinig ng aking puso
Kahit iba Ang sinasabi Ng isip ko
Ay di pa rin ito magawang sundin Ng puso
Sapagkat pagkatapos Ng lahat ikaw parin Ang tinitibok nito.

Alam Kong ayaw mo na
Ramdam Kong pagmamahal mo ay Wala na
Ngunit heto ako sa harap mo nagpapakatanga
Umaasang baka napapagod ka Lang pala.

Mga ngiti mo'y may nagbago na
Mga ngiting Alam Kong ika'y masaya
Mga ngiting masasabi Kong napakasakit sa Mata
Sapagkat Alam Kong nakangiti ka dahil sa kanya.

Ramdam na ramdam ko Ang pait sa puso
Sa araw-araw na kasama Kay parang pinapatay ako
Sa paglipas Ng panahon ramdam Kong durog na durog na ako
Ngunit tinitiis ko Basta wag kalang mawala sa piling ko.

Sa sakit gusto ko Ng makawala
Sa pagmamahal nais Ng makalaya
Gusto ko ng maging lubos na masaya
Ngunit Hindi Yun mangyayari hanggat mahal parin kita.

Sinubukan Kong turuan Ang aking puso
Sinubukan Kong ibaling sa iba Ang pagmamahal ko
Sinubukan Kong diktahan Ang tinitibok nito
Ngunit sadyang malakas Ang nararamdaman ko para sayo.

Hindi ko Alam Kung among meron sayo
Kung paanong di ka magawang kalimutan Ng puso
Kung paanong parang ikaw na Ang nagmamay-ari nito
At Kung paanong naging alipin mo Ang BOBO KONG PUSO.

#Kuya ko Ang nagbigay Ng title nito Wala akong magawa nun bored na bored ako Kaya naisip Kong tanungin Kung may Alam ba siyang title Ng Tula at Yun nga he came up with this title medyo na amaze nga ako sa title na sinabi niya. Sobrang like ko Yung title hahaha... Wala Lang marami na kasing Tanga sa pag-ibig ngayon kaya Sana wag kayong maging Isa dun. Wag po tayong papalamon sa pagmamahal. Wag po nating gawing Mundo Ang dapat ay tao Lang okay po?

#02/12/2019

Mga Tula ni Assumerang ManunulatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon