HANGGANG SAAN HANGGANG KAILAN
Marami Ng nakapagsabi sa akong ako'y Tanga
Sapagkat hindi parin Kita nilalayoan kahit nasasaktan na
Pero para saakin ay Kaya ko pa, kakayanin ko pa
Sapagkat nangako kang para saakin ay magbabago ka.Pero lumipas Ang mga araw, buwan at taon
Ngunit imbis na magbago ay nananatili Kang ganun
Nananatili Kang wag akong bigyan Ng seryosong atensyon
At nagpatuloy Kang gawin Ang mga Gawain mo noon.Gusto Kong magalit at kamuhian ka
Gusto Kong ipamukha sayong Kaya ko na Wala ka
Gusto Kong isampal sayo na Wala Kang halaga
Na Kaya Kong ibalik Ang mga panahon na di pa Kita kilalaPero kahit anong subok ko ay di makikinig Ang puso
Sapagkat isang halik at lambing mo Lang ay bumibigay na ako
Heto Nanaman ako kinukumbinsi Ang sarili ko
Na isang pagkakataon pa Ang ibigay ko sayo para magbago.Ngunit Mahal ilang pagkakataon Naba Ang nawala?
Ilang Luha paba Ang kailangang iluha?
Ilang unan paba Ang kailangang mabasa?
Para tuluyang matauhan sa pagiging dakilang Tanga?Hindi ko na maintindihan ang sarili ko
Kung Mahal ka pa ba o nanghihinayang Lang ako
Nanghihinayang na bitawan Ang mga ala-ala ko sayo
At simulang muli Ang buhay na Wala kana sa piling ko.Mahal di ko na Alam Ang gagawin ko
Hindi ko Alam Kung hanngang kelan ako ganito
Kung hanggang saan ako kakapit sa mga ala-ala mo
Kung hanggang kelan ko kayang tiisin Ang kirot Ng puso.Mahal ko Wala naba talagang pag-asang magbago?
Wala nabang pag-asang magbago Ang ikot Ng Mundo?
Kasi Hindi ko Alam Kung hanggang saan Ang pasensya ko
Kung hanggang kelan ko pa makakayanang manatili sa piling mo.#shit gusto Kong umiyak haha.. well lesson learn guys wag kapit Lang ng kapit Kasi di natin Alam di Niya na pala kamay Ang kinakapitan natin kundi patalim na na siyang maging dahilan para tayo'y masaktan at masugatan. Kapag masakit na masakit na at kapag Ang tiwala at repeto'y nawala na ay aba ateng bitaw na. Di na pagmahahal Yan katangahan na Yan di ka po super hero tao po kayo. Sarili po muna bago iba po okay po.
#03/03/2019
BINABASA MO ANG
Mga Tula ni Assumerang Manunulat
Randomthis will be my poem compilation. hope you like it Guys