ANO NGA BA TAYO?

2 0 0
                                    

ANO NGA BA TAYO?

Maraming may sabing bagay tayong dalawa
Pero tayo, Wala tayong pake sa kanila
Basta Alam nating pareho tayong masaya
Mga sabi-sabi ay di na natin iniintindi pa

Hindi ko man maintindihan Kung Ano itong nararamdaman ko
Di ko man Alam Kung Ano nga ba tayo
Andito Ka Lang sa tabi ko ay okay na ako
Kahit pa di ko na maintindihan Ang tibok Ng puso

Kaya Sana Hindi tayo magbago
Kahit minsan ay nakakalito
Basta Alam natin pareho
Na Mahal natin Ang isa't-isa kahit Hindi tayo

Ako'y aminadong medyo naguguluhan
At naghahanap Ng mga kasagutan
Kung Ito bang nararamdaman ay may patutunguhan
Dahil Kung Wala habang maaga mabuti Ng pigilan.

#napaka ikli Lang just four stanza Isa Ito sa pinakaunang tula na nagawa ko, napakabata ko pa nito haha.. naalala ko Wala akong kaalam-alam sa mga ginagawa ko hahaha.. it actually feels good na mabasa ulit Ang mga tulang Ito.

Mga Tula ni Assumerang ManunulatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon