BUONG PUSONG PASASALAMAT

0 0 0
                                    

BUONG PUSONG PASASALAMAT

Sa pagmulat ko ng aking mga Mata
Ngiti mo agad Ang unang nakikita
Kasabay Ng pagtawa ko Ang pagbuhos Ng iyong mga Luha
Luha na dulot Ng labis na tuwa.

Pag-aaruga mo saakin ay di ko binibigyang halaga
Imbis na sundin ay sinusuway pa Kita
Mga paghihirap mo'y Hindi ko alintana
Mga pag-aalala mo'y madalas nababalewala

Sa Kung among meron ako ay di nakontento
Sa halip ay naging mas mapaghanap ako
At pinipilit makuha Ang mga gusto ko
Na siya namang pilit na binibigay mo

Tumutulong pawis ay di mo pinapansin
Para saakin lahat ay gagawin
At Kung maaari ay handang kumapit sa patalim maibigay Lang sa akin lahat Ng aking hiling.

Tunay na di ko iniisip noon aNg iyong importansya
Sapagkat Ang gusto Lang ay lahat Ng luho ay makuha
Ngunit nung sa buhay ay muntik ka Ng mawala
Doon ko naisip Kung gaano ka kahalaga

Patawarin mo Sana ako SA mga pagkakasala
Hayaan mo Sana akong SA iyo ay mag-alaga
Masuklian man lang Ang lahat Ng iyong nagawa
Hayaan mong iparamdam ko sayo Kung gaano ka kahalaga

Sa mga pagkukulang ay hayaan mo akong bumawi
Hayaan mong gamutin ko Ang lahat Ng paghihirap mo't pighati
Hayaan mong Ang mga Luha mo'y palitan natin Ng ngiti
Ngiting di ko na hahayaan pang mapawing muli.

Sa dami Ng iyong nagawa
Kulang pa Ang simpleng pag-aalaga
Kaya Naman aking Mahal na Ina
Hayaan mong iparamdam ko sayo Ang buong PUSONG PASASALAMAT SA lahat Ng nagawa.

# I made this for my mother nuong buhay pa siya, binigay ko Ito sa kanya noong mother's day na siyang birthday Niya rin, umiyak siya nun eh haha.. pasaway Kasi talaga akong anak as in feeling ko ako Ang dahilan Ng pagputi Ng buhok Niya pero di ko man Lang Alam na una't huling beses ko na pala siyang handugan Ng Tula. Kasi kinuha na siya ng ating Ama Mula samin. Kaya Sana kayo pag-isipam niyong mabuti Ang mga ginagawa niyo, Sana pasayahin niyong mabuti Ang nanay niyo bago pa mahuli Ang lahat.

#11/21/2018

Mga Tula ni Assumerang ManunulatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon