KUNG HINDI RIN LANG TAYO

2 0 0
                                    

KUNG HINDI RIN LANG TAYO

"Pinagtagpo ngunit Hindi itinadhana"
Salitang bagay na bagay sating dalawa
Minahal mo ako at Mahal din Kita
Kahit walang "TAYO" sa akin ay okay na.

Ramdam Kung Mahal mo rin ako
Ngunit ramdam ko rin Ang pag-aalinlangan mo
Kahit ganun ay masaya parin ako
Kaya't nakontento nalang ako sa Kung Ano tayo.

Naging kampante ako kahit may makilala Kang iba
Sa pag-aakalang sa aking tabi ay mananatili ka
Pero sa paglipas Ng panahon nangyari Ang di ko inakala
Ang dating pagtingin saakin ay naibaling mo sa iba.

Mahirap man ngunit kailangang tanggapin
Na may taong darating ngunit di mananatili sa iyong piling
Na kahit gawin mo Ng lahat upang makuha Ang dating pagtingin
Ngunit Ang ibigin ka Ng higit pa sa kaibigan ay di kayang gawin.

Sadyang napaka sadista talaga Ng tadhana
Hindi mo mawari Kung Ano Ang Plano Niya
Kung bakit hinayaang ika'y aking makilala
Kung sa pagdating Ng araw ay kukunin Karin Lang Niya.

Ako'y aminado na noong una ako'y naguguluhan
Hindi ko Alam Kung Ano itong nararamdaman
Ngunit nung sa aking tabi ay lumisan doon ko nalaman
Na Mahal Kita ngunit huli na kaya't ako ay nasaktan.

Kung Sana napagtanto ko Ng maaga
Na Ang nilalaman Ng puso ay ikaw pala
Ano kaya Ang ating magiging tadhana?
Sa piling ko'y magiging masaya ka Kaya?

Ngunit naisip ko na mabuti narin Lang Ito
Na Hindi naging tayo para sa pagdating sa dulo
Ay Hindi na tayo masaktan pa Ng Todo
Kung sakali mang sa huli ay "HINDI RIN LANG TAYO".

#THE TITLE WAS FROM MY FRIEND ANGEL MAE L. DAGAME SINULAT KO TO NUNG SENIOR HIGH PALANG KAMI KAYA NAKAKA TUWANG BALIKAN BASAHIN ITO. IMPROMTU KO TONG GINAWA BINIGYAN NIYA LANG AKO NG ILANG MINUTO PARA TAPUSIN ANG TULANG ITO KASI GUSTO NIYANG MABASA AGAD KAYA NAMAN AY NAGING MASAYA AKO SA KINALALABASAN KAHIT NA MEDYO MINADALI KO NGA ANG PAG-GAWA NITO naalala ko may kantang ganito noon eh Ewan ko Kung mismong title ba Yun or Kung part Lang Ng lyrics ang naging title Ng tulang to haha.. Kakamiss

# NOVEMBER 22, 2018 ANG PETSA KUNG KELAN KO TO GINAWA NA ALALA KO PINIRMAHAN PA NIYA ITO AT SABI NIYA NAGUSTUHAN DAW NIYA ANG GAWA KO KAYA SANA AY MAGUSTUHAN NIYO RIN ANG GAWA KO.

Mga Tula ni Assumerang ManunulatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon