SALAMAT AT AKO'Y NAKALIMOT

0 0 0
                                    

SALAMAT AT AKO'Y NAKALIMOT

Naalala ko pa noon Kung paano nawasak Ang puso
Naalala ko pa Kung paano ko inilayo Ang sarili ko
Naalala ko pa Kung paano ko kinamumuhian Ang mundo
Na umabot na sa puntong gusto ko Ng lisanin ito.

Sa bawat pagdilat Ng mga Mata ko
Ay siya Ang tanging naaalala ko
Kung paanong ibinuhos ko lahat Ng pagmamahal ko
Sa taong Hindi Naman pala karapat-dapat dito.

Ramdam na ramdam ko Ang puot sa aking puso
Ngunit di parin nun napawi Ang nararamdaman ko
Ang pagmamahal na siya Lang Ang pinaglaanan ko
At ngayon Hindi na sigurado Kung makakabangon paba ako.

Hindi ko ikakailang nag-iba Ang pakikitungo ko
Lalo na sa mga taong may kaugnayan sa pagkawasak ko
Alam ko ring minsan ay napapasobra ako
Pero Yun ay dahil nasasaktan parin ako.

Pinangako ko sa sarili Kong di na papairalin ang puso
Na mas gagamitin ko na Ang isip ko
At huwat Ng magpapapasok muli Ng Kung sino man sa buhay ko
Pero nagbago yun Ng dumating Ang makulit na tulad mo.

Hindi lingid sa kaalaman mo Ang nakaraan ko
Ngunit Hindi rin nun napigilan Ang mga nais mo
Ang mga nais mong muling ibalik Ang mga ngiti ko
At bigyang kulay muli Ang minsang madilim Kong mundo.

Ikaw Ang bukod ranging saakin ay Hindi sumuko
Kahit pa Alam mong tumigas na Ang dating malambot Kong puso
Di parin nito nababawasan Ang determinasyon mo
Na iahon ako Mula sa pagkakalubog ko.

Hindi ako makapaniwalang unti-unti ay nagagawa mo
Nagagawa mong bigyan ako Ng dahilan na ituloy Ang buhay ko
Na Hindi sapat Ang sakit para sa buhay ay sumuko
Kaya salamat, SALAMAT DAHIL SAYO NAKALIMOT AKO.

# This title was from my other friend MARIE JOY MARGATE sa lahat siya Ang may pinakamaraming title na binigay sakin. Ang iba ay di ko pa nagagawang gawan Ng Tula haha... Well nag e-enjoy Naman akong gawan Ng Tula Ang titles Niya Kasi Ang iba Ang kukulit haha..

# November 20,2018 nagawa ko tong tulang to.

Mga Tula ni Assumerang ManunulatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon