SAPAT NA BA ANG IYONG PAGKUKULANG

0 0 0
                                    

SAPAT NA BA ANG IYONG PAGKUKULANG

Sabihin mo sakin Kung Ano Ang iyong gusto
Ang magpatuloy pa ba o Ang sumuko?
Hindi ko maintindihan ko bakit Tayo nagkaganito
Kung bakit parang Hindi na ako sapat para sayo.

Nagsimula Tayo noon sa simpleng "Hi" at "Hello"
Dumating sa punting hinihintay mo Ang aking OO
Hindi mo ako nilubayan SA mga I Love You mo
HANGGANG sa mapapa I Love You Too Marin ako.

Perpekto ang lahat Ng nangyari noon
Atensyon mo'y sa akin Lang talaga nakatuon
Sa ibang babae ay Hindi mo kayang lumingon
Dahil Alam Ming ayaw na ayaw ko Yun.

Akala ko ay Tayo na talaga
Ngunit parang tutol yata sa atin Ang tadhana
Hindi yata talaga Tayo para sa isa't-isa
Sapagkat nag-iba na Ang mga tingin mo Ng makilala mo siya.

Hindi ko Alam Kung pagsisisihan ko ba
Na hinayaan Kong magkakilala kayong dalawa
O di Kaya ay maging masaya
Sapagkat Ang isa't-isa'y natagpuan nyo na.

Simula Ng makilala mo siya medyo nag-iba na
Ang templa Ng pagmamahalan nating dalawa
Ang dating matamis mong pagsinta
Ngayo'y unti-unting pumapait na.

Mga pagkukulang moy lumalala na
Yung dating atensyon mo sakin ay nasa kanya na
Hindi ko na naramdaman Yung mga I Love You mo sa Umaga
At higit SA lahat Hindi na ako Ang dahilan Ng pagpungay Ng iyong mga Mata.

Hindi ko Alam Kung ipaglalaban ko pa ba
Itong nararamdaman Kong di mo na masusuklian pa
O susuko nalang at ipaubaya ka sa kanya
Mahal, Yung ga pagkukulang mo sapat naba para bitawan na Kita?

#syeeettt Ang sakittt🥺😅 bat Naman Kasi ganun... Bat pa kasi may ganitong part talaga Ng buhay na Kung Saan ay magiging instrumento ka Lang para matagpuan Nila Ang kanilang happy ending naku Naman talaga...

Mga Tula ni Assumerang ManunulatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon