Prologue

5.6K 86 33
                                    

Disclaimer: Before anything else, I want to warn all of you that this is a polyamory, specifically, a polyandry story.

Polyandry is a form of polygamy in which a woman has more than one husband.

So if this is not your cup of tea then you better leave and let my story be in peace. I just wanted to try this one because seriously it interests me. I know this story might not be in your dictionary but hey, this is mine. Char. Anyway, for those who's willing to read this one, thank you and I'm hoping y'all to support this. Huhu. /Cries in happiness/.

And note that this story has a lot of mature scenes, almost every chapter, I guess. Sorry in advance.

Started: October 01, 2021

***

HINDI KO alam kung ilang beses na nga ba ako napapalunok habang nakatayo sa waiting area dito sa NAIA. Hawak ko pa ang isang malaking banner na may nakalagay na 'Welcome Home Viglianco Twins'. Ilang oras na rin akong naghihintay ng mag-isa rito.

May kasama naman ako pero umalis kasi sina Manang Gloria at si Kuya Hermano dahil may bibilhin raw sila saglit. Pero umabot na ng isang oras ay hindi pa rin sila bumabalik. Hindi ko tuloy maiwasang mapanguso.

Nangangalay na talaga iyong kamay ko na nakataas.

Anong oras ba kasi dadating iyong mga anak ng asawa ni nanay?

Sabi ni Uncle Sani bandang alas sais raw ng gabi ay nakalapag na ang eroplano nila. Jusko, anong oras na? Alas otso na ng gabi pero wala pa rin sila. Marami pa man din akong tatapusin na activities.

'Di ko lang talaga matanggihan ang asawa ni nanay dahil nakakahiya naman sa sobrang bait ni Uncle Sani sa amin.

"Saglit nga, nangangalay na talaga ang braso ko e."

Walang alinlangan kong ibinaba ang hawak na banner at hinilot ang aking magkabilang braso. Pinagpag ko rin ang suot kong simpleng puting dress. Mahaba iyon at halos umabot pa ng talampakan ko. Ito na ata iyong pinakamaayos kong naisuot sa buong buhay ko. Matagal-tagal ko rin kasing pinag-ipunan ang dress na ito.

Bumuga ako ng hangin matapos masahihin ang magkabilang braso ko. At akmang itataas ko na sana muli ang banner ng may isang matangkad at malaking bulto ang tumayo sa harap ko.

Umawang ang aking labi ng tingalain ko siya. Ni hindi ako umabot sa kaniyang leeg!

"Dory, right?"

Mabilis akong tumango sa kaniya. Hindi ko kita ang kaniyang buong itsura dahil nakatago ang kalahati ng kaniyang mukha sa facemask na suot. Ngunit malinaw sa aking paningin kung gaano kaganda ang kulay berde niyang mga mata.

"S-Sino po kayo?"

Sa halip na sumagot ay inilapit niya lamang ang mukha sa akin. Hindi naman akk nakalayo agad sa sobrang pagkagulat. At kahit may espasyo pa sa pagitan namin ay hindi iyon naging hadlang para manuot sa aking pang-amoy ang panlalaki niyang pabango.

"You look so young. How old are you?"

Alam kong pinagsibahan ako ni mama noong bata ako na huwag basta-bastang makipag-usap sa hindi kilala pero sadya siguro na tanga ako at sinagot pa rin ang tanong ng estrangherong nasa harap ko.

Baddest Beasts of BunnyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon