Chapter 11

1.9K 51 21
                                    

AGAD KONG iminulat ang aking mga mata nang maramdaman ang biglang pagtigil ng paligid. Hindi ko man lang namalayan ang oras sa himbing ng aking tulog.

Marahil masyado akong napagod sa mga nangyari sa akin nitong mga nakaraang linggo sa islang pinagdalhan sa akin ng kambal. At ngayon lang ako nakatulog ng ganito kaayos, siguro dahil na rin sa kaalamang makikita at makakasama ko na ulit sina nanay.

Inilibot ko ang aking paningin at napagtanto kong nasa loob pa rin ako ng private jet na pagmamay-ari ng kambal. Nag-iisa na lamang pala ako sa kwartong pinaglagyan sa akin ni Yohev kanina. Noong unang kita ko sa loobng private jet na ito, halos hindi pa ako makapaniwala.

Akalain mong maari palang lagyan ng kwarto ang isang sasakayang panghimpapawid. Nakakamangha lang talaga. Paniguradong milyon-milyon ang halaga nito.

Ganoon ba talaga kayaman ang kambal?

Sus. Hindi nga sila salat sa pera, salat naman sila sa mabuting ugali.

Umupo ako sa kama at inayos ang sarili. Saktong pagtayo ko paalis sa kama ay siya ring pagbukas ng pinto ng kwarto. Bumungad sa akin si Giov na may dala-dalang paper bags. Sa palagay ko ay halos nasa isang dosena atang paper bags ang naroon.

Kita ko ang agad na pagngisi ng kaniyang mga labi nang makita niya akong gising na.

"Hey baby, how was your sleep?" tanong niya bago pa siya makalapit sa akin.

Titig na titig ang kaniyang mga mata sa akin, ni hindi iyon natinag kahit pa tuluyan na siyang nakalapit sa akin. Ibinaba niya muna sa may kama ang mga dala niyang paperbags bago ako mas lalong pinatuunan ng pansin.

Sa lalim ng paraan niya nang pagtitig sa akin ay hindi ko na napigilang ibaba ang aking tingin. Pinaglaruan ko ang aking mga daliri tapos ay saka lamang siya sinagot. "Maayos naman. Tumigil na ang jet. Nakarating na ba tayo sa airport?"

Halos mahigit ko ang aking hininga nang maramdaman ko ang kaniyang hintuturo na itinaas ang aking baba.

"I guess you're very excited to meet your mother."

Marahan akong tumango sa kaniya at maliit na ngumiti. "Pwede na ba tayong umalis agad? Gusto ko na kasi makita agad sina nanay," sabi ko na may tinig ng kaligayahan.

Sa totoo lamang ay hindi ko maitatago ang kaligayang nararamdaman ko ngayon. Sa halos isang buwan o higit pa atang hindi ko nakita at nakasama sina nanay, walang pasisidlan ang bawat emosyong nararamdaman ko ngayon.

Gustong-gusto ko na silang mayakap, lalo na si nanay. "Alright, alright. It seems like my baby's really excited," sabi niya at mabilis akong hinalikan sa aking labi.

Hindi na ako nabigla sa ginawa niyang iyon. Marahil nasanay na rin ako at ang aking katawan sa bawat dampi ng kaniyang labi at balat sa akin. Ganoon na rin kay Yohev na mas madalas humalik sa akin nitong mga nakaraang araw.

"Nasaan na ba si Yohev?" tanong ko.

Umupo siya sa kama katabi ng mga paper bags na dala niya. Matapos ay unti-unti niya akong pinaupo sa kaniyang kaliwang hita patagilid. Ngayon ko lang napansin na nakasuot pala siya ng isang button-down shirt at itim na dress pants. Mukha siyang kagagaling lamang sa kaniyang trabaho.

"He still talking with our clients. Anyway, I bought you something nearby." Kumunot ang noo ko sa kaniyang turan. Sinundan ko ang kaniyang kilos at nakita kong kinuha niya ang isa sa mga paper bags na dala niya.

Inilabas niya roon ang isang kulay asul na damit. Mahaba iyon kung tutuusin para sa isang damit. Mukhang ngang isa iyong bestida. Mas lalong nangunot ang akin noo.

"P-Para sa akin ba iyan?" Tumango siya sa aking tinuran.

"I'm not sure if you're going to like this so I bought you some other clothes, particularly dresses. I just thought you prefer dresses to other styles, so yeah. Do you like it?" inosente niyang tanong sa akin sa dulo.

Baddest Beasts of BunnyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon