Chapter 2

3.5K 62 8
                                    

"MAY BALAK umuwi ang mga anak ko, hon..." Natigilan ako sa biglang sinabi ni Uncle Sani.

Nasa harap kami ng malaking hapag ngayon at katatapos lamang namin kumain. Sa narinig ay halos hindi matunaw ang kinakain ko sa aking tiyan. Hindi ko alam kung bakit may excitement akong naramdaman sa isiping uuwi ang magkambal na anak ni uncle.

Tumingin ako kay nanay na may ngiti sa kaniyang labi.

"Talaga, hon? Ibig sabihin a-attend sila sa kasal natin?"

Bumuntong hininga si Uncle Sani at hinalikan ang sentido ni nanay.

"Yes. They're going home next week," batid ko ang pangamba sa boses ni Uncle Sani.

Ang nanay naman ay nagsalubong ang mga kilay. Parang hindi niya maintindihan kung bakit parang hindi masaya si Uncle Sani sa kaisipang uuwi ang kaniyang mga anak. Napatingin ako sa mga kapatid ko na tahimik lang din na nakikinig.

"Bakit parang hindi ka masaya, hon? Hindi ba plano na rin naman natin na makipagkilala sa kanila ng personal?"

"I don't know, hon. I'm worried..."

Kumunot ang noo ko habang pinapakinggan sila.

Hinawakan ni nanay ang kamay ni Uncle Sani at hinaplos iyon. "Saan naman? Alam kong mabait din ang mga anak mo."

"It's been 9 years since I last saw them. At hindi rin ako sigurado kung positibo nga ba ang magiging reaksyon nila sa muli kong pagpapakasal."

Dama ko ang pangamba sa mga salita ni Uncle Sani. Bagama't gusto kong magsalita ay nanatili akong tahimik at hinayaan silang mag-usap.

Tumingin ako sa mga kapatid ko na nagpaalam nang umakyat sa kani-kanilang kwarto. Tinanguan lang naman sila nina nanay.

"Siguro ay mabibigla lamang sila. Kung gusto mo, ipapasama ko sa kanila si Dorothy sa pagsundo."

Literal na nanlaki ang mata ko sa biglang sinabi ni nanay. Kaya hindi ko na napigilang sumabat pa.

"N-Nay?"

Mukhang natawa sila sa reaksyon ko pero kalaunan ay naging seryoso rin. Lalo na si Uncle Sani na napailing pa sa suhestiyon ni nanay.

"Honey, I don't think it's a good idea. I know my sons, they might do something-" ngunit agad siyang pinutol ni nanay.

"At kilala ko rin ang anak ko, Sani. Kayang-kaya niya ang dalawa mong anak, hindi ba Dorothy?"

Hindi ako agad nakapagsalita sa sobrang kabiglaan.

"Then, if it's okay with you, Dorothy? Pwede ka bang sumama sa pagsundo sa mga anak ko?"

Nakagat ko ang labi ko bago alanganing tumango. "S-Sige po, walang pong problema sa akin."

Malawak na napangiti si nanay sa sagot ko. At halos mapangiwi naman ako kay nanay na talagang tumingin pa sa akin para ngumiti. Si Uncle Sani naman ay tuluyan nang napangiti habang nakatingin kay nanay. Mukhang masaya siyang nakikitang masaya si nanay.

Wala sa sarili akong nagpaalam sa kanila. Laman ng isip ko ang tungkol sa pagsundo sa mga anak ni Uncle Sani. Hanggang sa makapunta ako sa aking kwarto ay lumilipad pa rin ang utak ko.

Gusto ko man tumanggi ay huli na dahil naka-oo na ako kina nanay. Saka isa pa, nakakahiya rin kay Uncle Sani, kahit papaano ay gusto kong suklian ang kabaitan niya sa amin.

Napapalatak na lamang ako dahil nagpaikot-ikot na sa aking utak ang tungkol sa pagsundo.

At kahit hinila na ako ng antok ay iyon pa rin ang nasa isip ko.

Baddest Beasts of BunnyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon