Chapter 9

3.3K 69 16
                                    

"CALM YOUR shits, assholes! She's fucking fine now," iyon ang bumungad sa aking pandinig.

Bagama't gising na ang diwa ay nanatili pa rin akong nakapikit para pakiramdaman ang aking paligid.

"Fuck! How sure are you, Patriorch? She's still sleeping for pete's sake!" sigurado akong boses iyon ni Giov.

"Huwag kang tanga, Viglianco the first. It's fucking normal, she got an allergy attack. What do you fucking expect, huh?" halata ang pang-aasar sa boses ng nagsalita.

Nakaramdam naman ako ng haplos at halik sa aking palad. At hindi ako nagkakamaling si Yohev iyon. Lalo pa't naaamoy ko ang pamilyar niyang mamahalin na pabango.

"Rest, my baby..." muntikan ko pang maidilat ang mata ko dahil sa sobrang lambing ng kaniyang boses.

Aakalain ko pang ibang tao iyon sa sobrang hinahon. Ni walang kagaspangan o panunuya ang kaniyang boses.

Hindi ko alam kung gaano katagal na akong nakahiga sa malambot na kama na kinahihigaan ko ngayon. Ni hindi ko nga rin alam kung ilang oras na rin ba akong nagpapanggap na tulog. Basta ang alam ko ay ilang beses ko pang narinig ang pagbubukas sara ng pintuan.

Nang tuluyang tumahimik ang paligid ay saka ko lamang iminulat ang aking mga mata. Bumungad sa akin ang pamilyar na kisame.

Kisame na isang buwan mahigit ko rin na pinagmamasdan tuwing gabi. Inilibot ko ang aking tingin hanggang sa tumambad sa akin ang natutulog na mukha ni Yohev. Ngayong nakapikit siya at natutulog, hindi ko maiwasang isipin na napakaamo pala ng kaniyang mukha.

Sa totoo lang ay ganon din naman ang mukha ni Giov dahil magkambal lang naman sila pero ngayong unti-unti ko nang nalalaman ang pagkakaiba nila sa pisikal na aspeto, unti-unti kong napapansin na mas malambot pala ang features ni Yohev kumpara kay Giov.

Gayunpaman, parehas pa rin naman silang maipagmamalaki ang mukha.

Bumuga ako ng hangin at balak sanang haplusin ang mukha ni Yohev ng bigla itong magmulat. Umawang ang kaniyang labi habang nakatitig sa akin.

"Y-Yohev..." malat ang boses na tawag ko sa kaniya.

Mabilis niyang kinuha ang kamay ko na nasa aking tiyan at inilagay iyon sa kaniyang bibig para mahagkan ng marahan. "How's your feeling?"

Ngumiti naman ako sa kaniya. Halata ang pag-aalala sa kaniyang boses.

"Maayos na ang pakiramdam ko," ani ko.

Tumango siya sa akin at paulit-ulit na hinahagkan ang aking palad. "I'm so fucking worried. You were so red when I saw you," sabi niya sa akin.

Hindi ko maiwasang makaramdam ng konsensya. Alam kong hindi peke ang pinapakita niyang pag-aalala. Bawat salita na lumalabas sa kaniyang bibig ay totoo.

Nakagat ko ang aking labi. "S-Sorry kung pinag-alala kita. H-Hindi ko naman kasi alam na may mani pala ron sa chocolates."

Bumuntong hininga siya bago dumukwang para mahalikan ako sa aking noo. Halos mapapikit pa ako ng maramdaman ang kalambutan ng kaniyang labi sa aking balat.

"It's fine, you don't have to say sorry, baby..." malambing niyang sabi.

Matagal akong tumitig sa kaniya bago unti-unting sumilay ang ngiti sa aking labi.

"T-Thank you." Ngumiti lang naman siya sa akin habang pinagmamasdan ako.

Malamlam ang kaniyang mata habang nakatingin sa akin. Wala ang malamig at matigas na eskspresyon na palagi niyang pinapakita sa tuwing kausap ako.

Kaya habang nakikipagtitigan ako sa kaniya, hindi ko maiwasang tanungin ang sarili kung si Yohev nga ba ito o ibang tao. Hindi ganitong Yohev ang nakilala ko noong una. Ang Yohev na nakilala ko ay magaspang ang ugali at walang preno ang bibig sa pagsabi ng mga gusto niyang sabihin.

Baddest Beasts of BunnyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon