Chapter 6

3.8K 69 41
                                    

MARAHAN AKONG naglakad habang nagpapalinga-linga sa paligid. Dama ko ang malakas at mabilis na kabog ng aking dibdib. Tahimik akong nanalangin na hindi makasalubong ang kambal. Dahil alam kong wala silang maganda maidudulot sa sistema ko.

Nang masiguradong wala ang kambal sa paligid ay agad akong tumakbo pababa ng bahay. Dumiretso ako sa kusina para magluto ng makakain ko.

Sa higit na isang linggo kong pananatili kasama ang magkambal, hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin kung paano nagkakaroon ng bagong stock ng pagkain ang ref dito. Kung susuriin pa nga halos araw-araw atang may bagong mga pagkain.

Wala namang bangka akong nakikita rito para makaalis ang kambal, nitong mga nakaraan ay halos libutin ko na ang kabuuang isla makahanap lang ng bangka pero wala.

At hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam ang plano ko. Kung paano nga ba ako makakatakas sa islang ito at sa baliw na kambal na iyon.

Bumuga ako ng hangin at inihain na lamang sa plato ang niluto kong sinangag at pritong itlog. Sa totoo lang ay alas-kwatro pa lamang ng umaga pero ito ako at nasa kusina na agad, nag-iisa. Pero mas mabuti na rin ito kaysa makasalamuha ko pa ang dalawang may saltik na iyon.

"Mas gugustuhin ko pang mag-isa kaysa makasama sa hapag ang dalawang baliw na iyon," may inis na sabi ko.

"Hmm? Really, baby?"

Halos mahulog ako sa kinauupuan ng marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Agad akong tumingin sa lalaking nakahilig sa pader. Nabitawan ko ang hawak na syanse ng makita ang walang saplot sa katawan ng lalaki. Tanging pajama na kulay itim lamang ang kaniyang suot.

Kitang-kita ng dalawang mata ko kung gaano ka-matipuno ang kaniyang katawan. Magulo rin ang kaniyang buhok at halatang kagagaling sa kama niya.

Pero agad akong napaiwas ng tingin ng mapagtantong tinititigan ko na pala siya. Dinig ko ang kaniyang mahinang halakhak.

Hindi ko sigurado kung siya ba si Yohev o si Giov dahil medyo madilim ang kinaroroonan niya. ngunit ng maglakad siya papalapit ay napagtanto ko na siya si Giov dahil sa mahaba niyang buhok.

Umismid ako at mabilis na kinuha ang sansyeng nabitawan ko.

"Bakit ka nandito?" pabalang kong tanong.

Nakatalikod na ako sa kaniya kaya hindi ko makita ang kaniyang reaksyon. Tss. Akala ko pa naman ay hindi ko na sila makakasalamuha kahit ngayong umaga man lang. Pero mukhang sinusubukan nila ang pasensya ko.

"What? Am I not welcome in my own kitchen?"

Para akong natulos sa kinatatayuan ng maramdaman ko ang init ng kaniyang katawan sa likod ko. Kaya agad akong humarap sa kaniya at itinulak siya. Binigyan ko siya ng masamang tingin.

"Lumayo ka nga sa akin!"

Pero imbes na pakinggan ako ay muli siyang lumapit. "But I want to be near you... So near that no space could be seen between us..."

Nagngitngit ang aking mga ngipin ng umabante pa siya papalapit sa akin. "Huh. Parehas kayo ng kambal mo na bastos at walang galang sa babae."

"So what, then?" parang balewala niyang sabi.

"Di hamak na mas bata ako sa inyo...a-at magiging magkapatid na tayo kapag kinasal ang mga magulang natin!" hindi ko napigilang isigaw sa kaniyang mukha.

Tumaas ang gilid ng kaniyang labi. Akala ko ay may sasabihin pa siya pero iba ang narinig kong nagsalita.

"What's your point then, bambina?"

Umawang ang labi ko at napatingin sa nagsalita. Nakita kong nakatayo malapit sa amin si Yohev na hindi katulad ni Giov ay may suot na sandong kulay itim.

Baddest Beasts of BunnyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon