Chapter 4

3.7K 65 30
                                    

TULOY-TULOY ako sa paglalakad papuntang kusina at hindi inalintana ang tingin ng dalawang pares ng mga mata. Halos tumagos iyon sa pagkatao ko na siyang nagpapalunok sa akin. Bahagyang nanginginig pa ang aking mga kamay nang kuhanin ko ang isang baso.

Ganito palagi ang pakiramdam ko simula ng iwasan ko sila. Tatlong araw na rin ang nakalilipas at nagpapasalamat ako dahil hindi nila sinubukang lumapit sa akin. Iyon nga lang ay mas madiin nila akong titigan sa tuwing napapadaan kung nasaan sila.

Katulad na lang kanina, balak ko sana ay hindi sila madaanan, pero mukhang sinasadya ng tadhana at talagang tumambay pa sila sa may sala. Iyon tuloy halos nerbiyusin pa ako sa paglalakad.

Alam kong pansin nila ang pag-iwas ko pero hinahayaan lang naman nila. Mabuti naman. Siguro ay naisip din nila na ayaw ko silang makasalamuha.

Mabilis kong hinugasan ang basong ginamit bago lumabas sa kusina roon. Ilang beses pa akong nagdasal na sana ay umalis na sila may sala, ang kaso lang ay mukhang hindi dininig ang dasal ko.

Pero hindi katulad kanina ay abala sila sa kanilang pinag-uusapan at halos hindi ako napansing dumaan. Medyo narinig ko pa nga ang usapan nila.

"Stop playing with the knife, Yohev," maawtoridad na sabi ni Kuya Giov.

"What? I'm not doing anything wrong, not yet..." halos walang ganang sabi namin ng kakambal niya.

Napabagal ang paglalakad ko ng mapansin na pasimpleng tumingin si Kuya Giov sa direksyon. Kaya abot-abot ang kaba at halos hindi makahakbang sa sobrang taranta.

"I know what's inside your fucking mind. Te l'ho detto, dobbiamo trattarla con delicatezza." [TL: I told you, we need to treat her gently.]

"Perché trattarla con gentilezza se è così testarda da morire?" ani Kuya Yohev at pinatigil ang paglalaro sa kutsilyo. [TL: Why treat kindly if she's so stubborn?]

Hindi ko maintindihan ang sinasabi nila, pero mukhang hindi nagustuhan ni Koye Giov ang sinabi ni Kuya Yohev. "Sai che non possiamo rovinare tutto!" [TL: You know we can't screw it up!]

Umiling lamang si Kuya Yohev bago tumayo ng nakapamulsa.

"Tch. Whatever. I'll do what I want anyway," sabi pa ni Kuya Yohev.

Binilisan ko ang paglalakad ko nang makita siyang naglalakad palapit sa akin. At bago ako tuluyang lumampas sa sala ay nakita kong nakatingin sa akin si Kuya Giov. Napapailing siyang seryoso na nakatingin sa akin.

Nasa hagdan na ako ng maramdaman ko ang presensya ni Kuya Yohev sa likod ko. Nahigit ko ang aking hininga ng pasimple niyang idinanggil ang kaniyang braso bago tuluyang mauna sa pag-akyat.

Hindi ako nakagalaw sa may hagdanan at napakapit sa may hawakan. Tumingala ako at nakita ko siyang tumigil nang nasa tuktok na siya. Malamig ang kaniyang tingin ngunit nakapaskil sa kaniyang labi ang isang kakaibang ngisi.

Sa hindi malamang dahilan ay nanindig ang aking balahibo. Umiwas ako ng tingin sa kaniya at nagtatatakbong umakyat para makapunta sa kwartong ginagamit ko.

Agad kong isinara ang pinto ng makapasok ako sa kwarto. Malakas ang kabog ng aking dibdib habang naaalala ang ngisi ni Kuya Yohev. Pakiramdam ko ay may naiisip siyang gawin sa akin.

Ipinikit ko ang aking mga mata at huminga ng malalim upang pakalmahin ang sarili. At nang makalma ay agad ajong dumiretso sa aking kama at nagsumiksik sa may headboard.

Gusto ko na talagang umuwi pero sa kalagayan ko ngayon ay alam kong imposibleng makaalis ako dito.

Ilang beses ko na rin subukang hanapin ang maliit na bag ko pero bigo akong mahanap iyon. Nandoon kasi ang cellphone ko at iba pang gamit, katulad ng wallet. Hindi ko lang alam kung saan nga ba nila iyon tinago.

Baddest Beasts of BunnyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon