KABANATA 13

15.2K 733 84
                                    

Kabanata 13.

Kinabukasan, maaga akong nagising. Sa labas ng bahay ko ay may naghihintay ng carriage para sa akin. Sinabihan ko din si Charry kagabi na aalis kami at mamasyal. Natuwa naman ito na para bang may sinabi akong magandang balita.

Sabagay, baka sawa na rin siya sa lugar na ito. Sanay na rin ako sa ugali ni Charry na laging nakangiti kapag kausap ako. Noong una ay akala ko matatakot siya sa akin dahil sa ginawa ko noong una kaming nagkita ngunit nagkamali ako. Mukhang wala lang iyon sa kaniya o kaya ay baka inasahan niya na rin na mangyayari iyon.

Ngayon ay pupunta kami sa city at balak kong mamasyal sa plaza kasama si Charry. Wala kaming pera parehas ni Charry at hindi ako binigyan ni Zyr dahil siguro baka tumakas ako. Hindi ko nga naman iisipin na tumakas kapag wala akong perang dala.

Kung hindi si Zyr ang nakaassign sa akin ay baka hindi ako makatungtong sa labas ng Dead Land dahil nasa batas iyon at ang paglabag sa batas ay may malaking kapalit na kaparusahan at pwede ring makulong ang taong nagbabantay sa isang criminal.

Pero mukhang walang pake sa batas na iyon si Zyr. Hindi manlang ito nagdalawang isip at agad niya akong pinayagan. Pero sabagay, wala namang makakaalam.

Nang makapagready na ako ay lumabas ako ng bahay. Nakita ko naman si Charry na nag-aabang na sa akin.

"Lady Thana" masayang bati nito sa akin.

Tiningnan ko lang ito. Lumipat naman ang paningin ko sa mga knights na kasama namin. Base sa suot nilang uniform ay alam ko na agad na kabilang sila sa white dragon battalion.

"Let's get in" saad ko kay Charry.

Sumakay na ako sa carriage at inalalayan naman ako ni Charry bago ito sumunod sa akin. Naupo ito sa aking katapat.

"Sabi ko na nga ba, papayagan kayo ni Duke Yvragne" masayang pahayag nito ng umandar ang aming sinasakyang carriage.

"It's alright because we are going to the his own city. Aside from that, I am wearing a scarf. Walang makakakilala sa akin dahil hindi kita ang kalahati ng mukha ko" pahayag ko kay Charry.

"Mabuti nalang talaga at malamig lagi sa northern land. Hindi na bago ang magsuot ng scarf sa araw-araw. Pero sa tingin ko talaga ay hindi naman kriminal ang tingin sayo ni Duke Yvragne, Lady Thana" saad naman ni Charry na para bang hindi ito makapagstay sa iisang topic lang.

"It doesn't matter" malamig kong saad.

Napanguso naman si Charry na para bang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.

"I'm rooting for the two of you Lady Thana" seryosong saad nito sa akin.

Hindi ko naman alam kung anong magiging reaction sa kaniyang sinabi.

"Thank you but there's no hope" malamig kong pahayag dito.

Napasimangot naman si Charry.

"You'll never know unless you try. Lady Thana, if you seduce Duke Yvragne, I am one hundred percent sure that he'll fall for you" nakangiting suggestion nito sa akin.

Tumingin naman ako sa labas ng carriage.

"I already did but failed" walang emosyon kong tugon kay Charry.

"Eh? You already did and failed?" Hindi makapaniwalang saad ni Charry. Malaki ang mga mata nito na parang nagulat talaga siya sa nalaman at hindi niya iyon kayang paniwalaan.

Napaisip naman ako.

Did I already do that? Inalala ko naman lahat ng interaction namin ni Zyr at naalala kong isang beses ko lang iyon sinubukan at hindi ko tinuloy dahil alam kong walang pag-asa. Ang isang Duke Yvragne ay mahirap akitin.

The Hero Is My VillainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon