Kabanata 36.
THANARIAZHA'S POINT OF VIEW
"Princess Thana, pumayag po ba talaga si Duke Yvragne na pabayaan nalang si Reonny sa loob ng mansion?" Tanong sa akin ni Charry.
Nandito kami ngayon sa may main hall ng mansion ni Zyr at parehas kaming nakatingin sa malaking black lion. Binigyan ito kanina ng bola ni Hugo at wala sana itong balak laruin iyon ngunit pinilit ko ito.
Kaya naman ngayon ay para siyang isang maliit na tuta na tuwang-tuwa sa paglalaro ng maliit na bola.
"It's alright. Kapag sa labas naglaro si Reonny ay kailangan ko rin lumabas para bantayan ito. Mukhang hindi pa naman nagaling ang sakit ko" seryoso kong saad kay Charry.
"Princess Thana, bakit hindi po kaya tayo magpatawag ng physicians at sa palagay ko naman po ay may personal physicians si Duke Yvragne para sa kaniya at sa kaniyang mga tauhan" masayang saad ni Charry.
Napatango naman ako.
"I'll ask him later" walang emosyon kong saad.
Nang maggabi na ay nakahiga lamang ako sa kama at nagbabasa ng libro habang nakasandal. Hinihintay ko pa si Zyr dahil mukhang may biglang dumating na letter galing sa hari.
Kahit hindi ko na tanungin si Zyr sa bagay na iyon ay mukhang may idea na ako kung saan tungkol iyon. Akala ko ay agad na magsasabi si Luquina sa kaniyang ama kahapon ngunit mukhang pinalipas muna siguro nito ang galit niya at ngayon niya lang ata nabanggit sa hari ang tungkol sa amin ni Zyr.
Hindi ko naman alam kung anong balak nilang gawin sa akin. Hindi naman siguro nila ako kakaladkarin patungo sa Radjian Kingdom at kahit gawin pa nila iyon ay sigurado ako na hindi sila hahayaan ni Zyr. Kaya naman hindi na ako nag-aalala sa kung ano man ang plano nila sa akin.
Nang pumasok si Zyr sa bedrook ay itinabi ko naman ang hawak kong libro. Tumingin ako kay Zyr at napansin kong hindi maganda ang ekspresyon ng mukha niya.
"What happened?" Tanong ko dito.
Lumapit naman sa akin si Zyr at naupo sa aking tabi.
"I need to go to Azovian Castle tomorrow but if you want, I can always reject the king's invitation" seryosong saad ni Zyr sa akin.
"You should go. Maybe there's an important matter that's why the king needs you there" saad ko sa kaniya.
Natuwa naman ako dahil mukhang walang balak si Zyr na basahin ang laman ng isip ko ngayon dahil kapag ginawa niya ay malalaman niya agad kung bakit siya pinapapunta ng hari sa Azovian Castle.
"Alright, if you say so" saad nito. Napangiti naman ako.
"I'll take a quick bath" paalam ito sa akin bago tumango at nagtungo sa may bathroom.
Muli ko naman tinuon ang atensyon ko sa pagbabasa ng libro. Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na si Zyr sa bathroom at nakasuot na ito ng pantulog.
Nahiga naman ito sa aking tabi kaya naman nahiga na rin ako. Niyakap naman ako ni Zyr ng mahigpit.
"Zyr, before you leave tomorrow, call a physician for me" pahayag ko naman dito ng maalala ko ang bagay na iyon.
"Why? Are you sick?" Agad naman nitong tanong.
Humiwalay ito sa akin at nag-aalala akong tiningnan. Napangiti naman ako bago umiling.
"I'm not, don't worry about me" natatawang sagot ko kay Zyr.
Nagsalubong naman ang kilay nito.
BINABASA MO ANG
The Hero Is My Villain
FantasyCan you turn the righteous hero into a villain? If someone asked me that question, I would probably give my flat 'No'. I am maybe a villain but a righteous hero is always be a hero. No matter what. Most especially, if that person is him. A good a...