EPILOGUE

32.9K 1.5K 413
                                    

Epilogue 

Labing-isang taon ang itinagal bago nanumbalik ang Devildom. Mas naging maayos ang lugar na iyon kumpara sa ibang mga kingdoms. Muling itinaas ni Zyr ang flag ng nation ng Devildom at halos hindi makapaniwala ang lahat nang mabalitaan nila na may anak ang dating Devil King at bukod pa don ay mukhang binuhay muli ng anak nito ang nasirang nation na kilala sa tawag na Devildom.

Sakop ng Devildom ang kalahating lupain ng mundo kaya naman ng maupo si Zyr sa trono ng devil king ay marami ang natakot dahil nga isa itong supreme being ngunit napansin ng karamihan na ang mga mamamayan sa Devildom ay mga normal na tao din at may mangilan ngilan naman na devils na bigla nalang sumulpot kung saan.

Katulad ng sinabi ni Thanariazha noon, may mga devils na nakatakas sa kamay ni Zyr noong minassacre niya ang buong lahi ng mga devils.

Kaya naman ng malaman ng mga devils na ang reyna nila ay isang human being ay hindi na nila tinuring ang mga ito na mas mababa sakanila. Simula noon ay mas naging malapit ang mga tao at ang mga nabuhay na mag devils.

Mas naging payapa naman ang buong Devildom simula ng maupo si Zyr sa trono.

Nakahiga naman ang isang batang lalaki sa may malaking sanga ng mataas na puno. Nakapikit ito kaya naman halatang-halata ang mahaba at makapal nitong pilik mata.

Para bang kumikinang ang kulay platinum-blond nitong buhok dahil sa sinag ng araw na lumalampas aa mga dahon sa puno na tumatama sa kaniyang buhok.

Nang imulat niya ang kaniyang mga mata ay makikita ang napakadilim na kulay pula sa bilog ng kaniyang mata. Walang emosyon ang kaniyang mga mata katulad ng kaniyang mukha.

Bumangon ito sa pagkakahiga dahil may naramdaman siyang nakatingin sa kaniya. Walang kahirap-hirap siyang tumalon pababa ng mataas na puno at naglakad papasok ng kanilang kastilyo.

Madilim ang expresyon ng kaniyang mukha na para bang kahit anong oras ay pwede na itong makapatay. Kahit sampong taong gulang pa lamang ay matangkad na ito at maganda ang pangangatawan. Bukod don, napakaganda rin ng buong mukha nito na para bang isa itong anghel na bumaba sa langit.

Ngunit ang taong nakakakilala lang sa kaniya ang hindi mag-iisip non dahil isa siyang devil at ang ugali nito ay mas malala pa sa kaniyang ina at ama.

"Greetings, Prince Zanhry" magalang na bati ng isang katulong. Hindi naman ito pinansin ni Prince Zanhry at nagpatuloy lang ito sa paglalakad.

Napatigil naman si Zanhry sa paglalakad ng makita niya ang malaking black lion na si Reonny. Nilapitan niya lang ito at pinat sa ulo.

"Greeting, Master's Son" magalang na saad ni Reonny.

"I told you to just call me Zanhry" saad ni Zanhry sa paboritong alaga ng kaniyang ina.

Hindi naman hinintay pa ni Zanhry ang isasagot ni Reonny dahil may kailangan pa siyang gawin.

Nang makarating si Princes Zanhry sa kaniyang destinasyon ay malakas siyang binuksan ang double doors ng office ng kaniyang ama.

Nagtama naman ang mata ni Prince Zanhry at ni Zyr. Nagtitigan ang dalawang mag-ama na para bang kung sino man ang umiwas ay siya ang talo.

"I told you not to monitor me" malamig na saad ni Prince Zanhry na para bang may ginawang malaking kasalanan ang kaniyang ama.

Walang emosyon naman na tumingin si Zyr sa kaniyang anak. Simula ng magkaisip ito ay para bang nakuha nito lahat ng ugali na meron si Zyr noong kabataan niya at maging ang ugali din ni Thana ay nakuha nito.

"And I told you not to lazy around" malamig naman na tugon ni Zyr sa kaniyang anak.

"I am ahead of my studies" walang emosyon naman na tugon ni Prince Zanhry.

The Hero Is My VillainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon