Kabanata 38.
Ilang beses nila akong pinilit na tumayo at kailangan na din nilang ilibing ang katawan ni Reonny ngunit hindi ko sinunod ang gusto nila. This beast is so weak that he can't even protect himself. He's not deserving to be my child's guardian at all.
Natuyo na ang luha ko at balot na din sa dugo ang buong laylayan ng suot kong dress. Wala naman akong pake sa bagay na iyon.
Wala rin karapatan si Reonny na mamamatay dahil binigyan ko na siya ng responsibilidad kahit pa man alam kong mahina siya.
"Hindi pa rin pa bumabalik si commander?" Rinig kong tanong ni Garvie.
"Pabalik na siguro" saad naman ni Deon.
Napakagat naman ako sa aking labi ng maalala ko kung bakit pinatawag si Zyr ng hari. Hindi ko alam kung anong naging desisyon niya. Baka tuluyan na akong mabaliw kapag iniwan niya rin ako. Mas mabuti pang mamatay kaming pareho kung ganon din naman ang mangyayari.
"Princess, please" pagmamakaawa naman ni Charry. Kanina pa niya ako pinapatayo ngunit hindi ko iyon ginagawa.
Kapag wala si Reonny, wala rin magmamahal sa batang nasa sinapupunan ko dahil alam kong kapag namatay ako ay baka ibuhos ni Zyr ang galit niya sa aming anak. Kaya naman ngayong patay na si Reonny ay wala ng magpoprotekta sa aking anak.
Makalipas ang ilang minuto ay tumigil na sa pagmamakaawa sk Charry. Napansin ko rin na para bang tumahimik ang buong lugar at maging sina Hugo ay hindi ko na naririnig na nag-uusap.
"What happened here?"
Nag-angat ako ng tingin ng marinig ko ang boses ni Zyr. Nang magtama ang paningin namin ay muli akong napaluha.
Napansin ko naman na nagdilim ang ekspresyon ng mukha ni Zyr. Agad itong lumapit sa akin. Lumhod ito sa aking harapan at mahigpit akong niyakap.
"Commander the thing is..."
Pinaliwanag naman ni Vice Commander Aleves ang buong nangyari kanina. Alam kong si Charry ang nagkwento non sa kaniya.
Nang matapos naman magpaliwanag ni vice commander ay tumingin si Zyr kay Reonny.
Pinakawalan naman ako ni Zyr sa kaniyang yakap. Tumayo ito at humarap sa kina vice commander.
"Everyone, leave" malamig na saad ni Zyr.
"Including you" baling nito kay Charry.
Wala naman silang nagawa kung hindi ang iwan kami. Inalalayan naman akong tumayo ni Zyr ngunit tinabig ko lang ang kamay niya.
"I want to stay with him for a little longer" malamig kong saad.
Mariin naman akong tinitigan ni Zyr.
"Do you want him to live again?" Seryosong tanong nito.
Wala sa sariling tumango naman ako. Narinig ko naman na bumuntong-hininga si Zyr.
"I can revive him, Thana but he'll become my familiar. Are you okay with that?"
"What?"
Napakurap ako ng ilang beses dahil sa sinabi ni Zyr. Pakiramdam ko ay nabingi ako ngunit nang maalala ko kung ano siya ay agad akong natigilan.
"Can you really do that?" Hindi makapaniwalang tanong ko kay Zyr.
Tumango naman ito.
"I can but he'll turn into much more dangerous beast. He'll become my familiar and he can only do the things I order him to do. Are you fine with that?" Tanong sa akin ni Zyr.
![](https://img.wattpad.com/cover/264479274-288-k200394.jpg)
BINABASA MO ANG
The Hero Is My Villain
FantastikCan you turn the righteous hero into a villain? If someone asked me that question, I would probably give my flat 'No'. I am maybe a villain but a righteous hero is always be a hero. No matter what. Most especially, if that person is him. A good a...