KABANATA 35

16.4K 666 45
                                    

Kabanata 35. 

THANARIAZHA'S POINT OF VIEW  

Ilang araw ang nakalipas ay dumating na rin si Charry at Reonny sa mansion ni Zyr. Nang makita ko si Reonny ay nagwawala ito sa loob ng malaking kulungan. Hindi naman alam ng mga knights ni Zyr kung ano ba ang dapat gawin sa malaking beast na si Reonny.

Lumapit naman ako sa kung nasaan sila.

"Unlock it" pahayag ko kay Garvie na may hawak ng susi.

Napalunok naman ito bago napatingin sa malaking si Reonny. Ngunit sinunod din naman ako nito. Nang matangal na niya ang lock ay ako na ang nagbukas ng malaking gate ng cage na ito.

"Reonny, be good. From now on, this is your home" pahayag ko dito. Pumasok ako sa malaking kulungan at niyakap ko pa ang uli nito.

Kumalma naman ito at idinikit niya sa aking katawan ang kaniyang mukha. Napangiti naman ako.

"Let's go" saad ko kay Reonny.

Nang makalabas ako ng kulungan ay nakita kong tahimik lang itong nakasunod sa akin. Napangiti naman ako dahil mukhang wala na itong balak na magwala pa.

"Princess Thana" masayang bati naman sa akin ni Charry kaya naman tinanguan ko nalang ito.

"Nag-alala po talaga ako ng sobra noong nawala kayo bigla. Mabuti nalang walang nangyaring masama sa inyo, Princess Thana. Naisip ko talaga na baka may dumakip sa inyo at ilang gabi akong hindi nakatulog ng maayos" pagkukwento sa akin ni Charry.

Napangisi naman ako dahil hindi naman siya mali. May dumakip talaga sa akin ang ang taong iyon ay patay na ngayon. Hindi ko nga lang alam kung anong naging reaction ng hari ng Radjian sa pagkamatay ng kaniyang pangatlong anak. Sigurado naman ako na mababalitaan ko ito bukas o sa isang araw.

Napatigil naman ako sa paglalakad ng maalala ko si Deon at Harpey. Kung hindi ako nagkakamali ay may inutos ako sa dalawing iyon ngunit hindi ko sila makita dito.

"Charry, hindi pa rin ba nakakabalik si Deon at Harpey?" Tanong ko sa babaeng naglalakad sa aking tabi.

"Nakabalik na din sila dito, Princess Thana. Sa pagkakaalam ko ay pinatawag sila agad ni Duke Yvragne" sagot naman sa akin ni Charry.

Napatango naman ako.

Nang makapasok ako sa loob ng mansion ay nakita ko pa rin na nakasunod sa akin si Reonny. Napatingin naman ako sa madungis na si Reonny at sa malinis na marmol na sahig.

"Charry, paliguan mo saglit si Reonny sa may back garden" utos ko dito.

Agad naman napatingin si Charry sa aking malaking alaga na para bang ayaw niya itong hawakan at paliguan. Ngunit wala rin naman siyang nagawa dahil hindi ko tatanggapin ang kaniyang pagtanggi.

Tumaas naman ako at nakasalubing ko si Deon at Harpey.

"Princess Thana, mabuti naman at nandito kayo. Kilala na namin kung sino ang nagpadala ng mga assassins sa inyo" saad naman ni Harpey.

"Nabanggit niyo ba ang tungkol dito kay Zyr?" Tanong ko sa dalawa.

"No, Princess Thana. Pinatawag lang kami ni commander dahil pinagsabihan lang kami nito na hindi namin ginagawa ng maayos ang aming trabaho" seryosong saad ni Deon.

"Good, follow me" saad ko sa dalawa.

Nagtungo naman ako sa may resting room. Naupo ako sa sofa at sinenyasan ko naman ang dalawa na maupo.

"Sit, don't stand there" seryoso kong saad. Sinunod naman iyon nu Harpey at Deon.

"Speak" seryoso kong saad sa dalawa.

The Hero Is My VillainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon