Kabanata 41.
THANARIAZHA'S POINT OF VIEW
Kinabukasan ay nabalitaan ko agad ang gaganapin na execution para kay Luquina.
This is why I don't like normal people. Hindi ko maintindihan kung bakit mas pipiliin nila ang buhay ng maraming tao kaysa sa buhay ng taong mahal nila. Walang kwenta ang buhay ng ibang tao kung mamamatay rin naman ang taong mahal mo.
The king is very different from my father. Sigurado ako na kahit siguro magkaroon ng matinding digmaan sa Azovian Kingdom ay hindi makakapayag si dad na maging sacrifice ako para lang sa buhay ng mga walang kwentang tao na hindi naman niya kilala.
Iyon rin siguro ang dahilan kung bakit hindi qualified si dad na mamuno. He's really a villain that's why he also raised me and Nov to become one. I am glad because I became one. Hindi ko makita ang aking sarili na iniintindi ang iniisip ng ibang taong wala naman value sa buhay ko.
Nitong umaga rin na ito ay nakatanggap ako ng letter mula sa hari. Sigurado kasi na alam na niya na wala ng magaganap na digmaan dahil patay na ang lahat ng myembro ng royal family sa Radjian Kingdom.
Sa letter na iyon ay tinanong ako ng hari kung gusto ko ba daw makausap o makita si Luquina bago ang execution nito. Akala siguro ng hari ay kapag nakita ko ang kawawang si Luquina ay magbabago ang isip ko.
"Are you going?"
Nakatayo lamang ako sa harap ng malaking bintana habang hawak ang letter na pinadala ng hari para sa akin. Napaangat ako ng tingin kay Zyr. Lumapit siya sa akin at niyakap ako mula sa likod. Ipinatong naman ni Zyr ang kaniyang baba sa aking balikat at hinawakan ang aking tyan.
"Yes, I want to see Luquina for the last time" sagot ko kay Zyr.
Sa totoo lang ay gusto kong malaman kung ano ang sasabihin niya sa akin kapag nagkita kami. Pakiramdam ko ay hindi magmamakaawa si Luquina kahit mamatay pa siya.
"Alright, I'll go with you" saad naman sa akin ni Zyr kaya napangiti ako.
Binitawan ko naman ang aking letter na hawak at hinarap si Zyr. Napangiti naman ako ng magflicker ang kulay ng mga mata nito.
Pansin ko na nangyayari din iyon kapag excited siya o masaya siya. Napangisi naman ako.
"What are you thinking?" Tanong ko kay Zyr dahil iba ang pakiramdam ko sa kaniyang titig ngayon sa akin.
"I want you" seryosong saad nito sa akin.
Mabilis ko naman na hinalikan ang labi ni Zyr.
"We already have a baby" natatawang sagot ko naman kay Zyr.
Sumimangot naman ito sa akin kaya naman natawa ako.
"It's alright, baby. We can still make love" seryosong saad nito.
Mahigpit ko naman na niyakap si Zyr.
"Later" nakangiti kong sagot dito.
Wala naman nagawa si Zyr dahil kailangan namin pumunta ngayon sa Azovian Castle. He's really cute sometimes. Habang nasa carriage kami ay hindi nawala ang nakasimangot nitong mukha na para bang wala siya sa mood dahil hindi nasunod ang gusto niya.
Nang makarating kami ni Zyr sa Azovian Castle ay binati kami ng mga nakahilerang mga maids at servants. May mga knights din. Base sa ekspresyon ni Zyr ay sigurado ako na laging ganito ang bumubungad sa kaniya kapag tumatapak siya sa Azovian Castle.
"Greetings, Your Majesty" walang emosyon na saad ni Zyr kay King Radjian.
Hindi lang ito ang mag-isang sumalubong sa amin. Maging si Queen Vaynia at Crown Prince Lukinzon ay nandito rin.
BINABASA MO ANG
The Hero Is My Villain
FantasyCan you turn the righteous hero into a villain? If someone asked me that question, I would probably give my flat 'No'. I am maybe a villain but a righteous hero is always be a hero. No matter what. Most especially, if that person is him. A good a...