KABANATA 32

15.1K 744 43
                                    

Kabanata 32.  

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

"Princess Thana" sigaw naman  ni Charry nang matapos siyang magluto ng tanghalian.

Nag-aalala talaga siya sa kalagayan ng kaniyang master. Lagi itong sumusuka at nahihilo tuwing gumigising ito kaya naman sigurado si Charry na nasosobrahan ito sa paglabas ng bahay.

"Princess Thana!" Tawag pa nito nang makalabas siya ng bahay.

Napansin naman ni Charry si Reonny na para bang kababalik lang sa kung saan. Napailing na lamang si Charry dahil sa malaking alaga ng kaniyang master.

Nagtungo naman si Charry sa kung nasaan si Thana ngunit agad na nanlamig ang kaniyang buong katawan dahil sa matinding kaba. Kinuha niya sa lupa ang espada at pansin niyang wala sa paligid si Thana.

"Princess Thanariazha!" Sigaw pa  ito at naglakad siya papasok ng kakahuyan.

Nakasunod naman si Reonny kay Charry. Tumigil naman sa paglalakad si Charry at tumingin kay Reonny.

"Bakit mo ba ako sinusundan? Hanapin mo din si Princess Thana sa ibang lugar! May sakit si Princess Thana at hindi maganda kapag may nangyaring masama dito" inis na singhal ni Charry kay Reonny. Malakas naman na umungol si Reonny sa harapan ni Charry.

Napairap naman si Charry at napatingin sa espadang hawak. Hindi naman niya pinansin pa si Reonny at nagpatuloy nalang siya sa paghahanap.

Mas lalong kinabahan si Charry ng mapansin niya na wala kahit saan si Thana. Malakas ang loob niya na may dumakip kay Thana dahil alam ni Charry na hindi lumalabas ng Dead Land si Princess Thana.

"Charry! Nasaan si Princess Thana? Nabalitaan namin na hindi na ito isang kriminal at bukod don, alam na namin kung sino ang gustong pumatay kay Lady Thana" masayang saad ni Harpey.

Nagsalubong naman ang kilay ni Deon nang mapansin niya na parang maputla si Charry at mukhang hindi ito hindi mapakali. Napatingin din si Deon sa hawak nitong espada na sigurado siya na pagmamay-ari iyon ni Princess Thana.

"Charry, where's the princess?" Seryosong tanong ni Deon sa babae.

Napalunok naman si Charry at mas lalong kinabahan. Umiling si Charry bago nagsalita.

"Hindi ko alam. Lumabas si Princess Thana kanina para magpractice ng swordsmamship at nagluto naman ako ng pagkain at pagkatapos ko ay nawawala na si Princess Thana. Malakas ang hinala ko na may dumakip dito" paliwanag ni Charry kay Deon.

Natigilan naman si Harpey.

"May dumukot kay Princess Thana?" Gulat nitong tanong.

Parang sasakit naman ang ulo ni Deon dahil malalagot sila sa kanilang commander kapag may nangyaring masama kay Thana.

"Posible ba na ang dumukot kay Princess Thana ay ang taong gusto rin na pumatay dito?" Tanong naman ni Charry sa dalawa.

"I don't think so. Naimbestigahan na namin kung sino ang nagpadala ng assassins kay Princess Thana at napigilan na din namin ang mga posibleng pag-atake ng mga ito. Sa palagay ko ay ibang tao ang dumakip kay Lady Thana" paliwanag ni Deon.

"Kung ganon, anong gagawin natin?" Kinakabahang saad ni Charry.

"Stay here, pupuntahan namin si Commander sa Capital para ipaalam ang nangyaring ito" saad naman ni Deon.

"Pero ilang araw pa bago kayo makarating. Baka may nangyari ng masama kay Princess Thana pagbalik niyo" saad naman ni Charry.

"Huwag ka mag-alala. Sisiguraduhin namin na maililigtas si Princess Thana sa tamang oras"

The Hero Is My VillainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon