Chapter 2: Friends

5.3K 187 16
                                    

Nahanap ko naman agad ang classroom ko. May mga nag uusap na mga estudyante na nabaling ang tingin sakin dito sa pinto. Natahimik sila mula sa kanilang ingay. Para akong dumaan na anghel.

Pumasok na ako at nagtanong sa isang lalaking estudyante na nakaupo sa unahan.

"Saan po ang vacant seat?" kaswal kong tanong.

Tinuro naman nito ang nasa likuran. Ramdam ko naman na lahat sila ay nakatingin sakin.

Ganito pala ang feeling ng pagiging transferee.

Umupo na ako at tumingin lang sa white board.

Nagpatuloy na ang maiingay na pag uusap. Nangingibabaw ang boses ng mga baklang katulad ko.

"Transferee ba siya?" rinig kong tanong ng isang babae.

"Alangan naman nakikiupo lang." ani ng isang bakla.

"Gwapo siya ah" dinig ko pang sabi ng babae.

"Aray! Ano ba?" daing ng babae.

Natamik sila at parang nagbulungan.

"Ay, sayang."

Hmm, parang alam ko na ang pinag uusapan nila.

"Hi! Are you a transferee?" tanong ng babae sa tabi ko.

"Yes." tipid kong sagot na may bahid ng ngiti.

May pumasok ng babaeng professor. Siya na yata ang prof. sa communication.

Napansin niya din naman ako dahil bagong mukha ang nasa room na 'to. Pinatayo niya ako at nagpakilala sa kanila. All eyes are now on me.

"Hi, ako nga pala si Yohan Serrano, 19 years old." pakilala ko.

"Mukhang madadagdagan ang populasyon niyo ah." sabi ng lalake sa grupo ng mga bakla.

"Welcome sa class namin." sabi ng isang bakla.

Ngumiti naman ako sa kanila at umupo na.

Si Danny, Bailey, Jc at Maricar, ang mga naging kaibigan ko agad sa loob ng unang linngo ko dito sa university. Ang iingay nilang kasama lalo na kapag vacant at tumatambay sa bench sa gilid lamang ng football field.

Masasayahin silang kasama. Si Danny ay tumpulan lagi ng tukso dahil sa pimples nito, si Bailey naman ay matigas gumalaw, parang ayaw pa munang magladlad, si Jc ay mataba, medyo lang naman at si Maricar ang nag iisang girl sa grupo. One of the boys siya, este, one of the gays.

Nang may dumaang lalake sa harap namin ay natahimik ang mga bakla. Parang engineering student, base sa uniform nito.

"Mukhang may bago tayong prospect, bakla." si Jc.

"Makinis ang mukha niya." si Maricar.

"So, anong gusto mong palabasin Maricar?" si Danny.

"Huh? Sinabi ko lang naman na-- aray." daing ni Maricar nang hinampas siya ni Danny ng kanyang bag.

Nagtawanan naman kami. Natural na sa kanila ang magkasakitan.

"Totoo naman na makinis ang mukha niya, baks." singit ni Bailey.

"Isa ka pa, hindi ka naman magugustuhan nun dahil mas matigas ka pa sakanya, baka siya pa ang mapagkamalan na bakla." si Danny ulit.

"Nag away-away na kayo dyan, ako ang magugustuhan nun dahil ako ang may kipay sainyo." si Maricar. Ayun, pinagtulungan tuloy siya ng tatlo na hampasin ng bag at sabunutan, ako ay napatawa na lamang.

"Oh my god! Ayan sila." sabi ni Danny.

Nabaling naman ang tingin namin sa tinitingnan niya. Nagulat ako nang si Ken pala at 'yung mga kaibigan nito ang tinuturo ni Danny. Papunta yata ang tatlo sa basketball court.

"Ang sarap talaga ng tatlong yan." Si Jc na parang nanggigigil.

"Basta sakin yang si Eros." si Maricar.

"Anong sayo? Akin siya." sabi ni Bailey.

"Basta, akin si Ken." si Jc.

"Akin naman si Jiro o kaya si Ken." Danny.

"Ahas ka, bakla." si Jc.

"Akin sana si Dwayne, kaso biglang nawala ng parang bula." si Maricar.

"Sinong Dwayne?" tanong ko.

"Tropa ng tatlong yan, apat sila eh, kaso nawala 'yung isang pogi."

Kung alam niyo lang, isa sa kanila ay kasama ko sa iisang bubong. Sa ngayon, wala muna akong balak sabihin sakanila.

Sa loob ng sampung araw na paninirahan ko sa bahay ni Tito, ay hindi pa kami nagiging close ng anak niya. Hindi naman ako nag eexpect na maging close kami ni Ken. Nagkikita lang kami kapag kakain na sa hapag, at madalang ko lang siyang madatnan dahil laging nasa lakwatsa ito sabi ni tito.

Tumambay muna kaming lima sa labas ng university bago umuwi, at kumain ng streetfoods.

Habang kumakain ako ng kwek-kwek ay natanaw ko na si Ken na nasa parking lot kasama ang dalawang tropa na may mga sasakyan din.

Magjejeep nalang ako kasi nahihiya akong sumabay sakanya. Isang beses lang naman akong nahatid ni Ken, 'yun ay ang first day ko dito.

"Diba, sabi ko sayo na sabay na kayong uuwi ni Yohan." si Tito habang kumakain kami ng hapunan.

"Ayaw niya naman eh." si Ken.

Binalingan naman ako ni tito.

"Ayos lang, Tito, sanay naman akong mag commute." sabi ko.

"Pero nak, sayang naman ng pamasahe, parehas naman kayo ng pupuntahan at uuwian." sabi ni mama.

Tumango nalang ako ng dahan-dahan. Pero hindi parin naman ako nakakapagdesisyon kung sasabay ako kay Ken.

Habang tumatagal kasi ay nahihiya ako sakanya, atsaka minsan hindi pareho ang schedule namin sa klase.

Kinaumagahan ay sumabay na ako sakanya. Total, hinihintay niya naman ako.

"Ang tagal mo, para kang babae." aniya nang makapasok na ako sa kotse niya.

"Babae naman ako ah." mahinang bulong ko.

"Ano?"

"Wala." sabi ko nalang.

"Tss." Umiling siya at pinaandar na ang sasakyan.

Ang bango niya ah. Pansin ko, ito lagi ang ginagamit niyang manly scent. Ang sarap singhutin.

"Thank you." sabi ko nang huminto na ang sasakyan sa parking. Mabilis naman akong bumaba ng sasakyan niya at naglakad na patungo sa loob ng university.

"Ang hot niya talaga." rinig kong sabi ni Jc pagkapasok ko ng classroom. Lumapit na ako sakanila at umupo sa tabi ni Bailey.

"Sino yan?" tanong ni Maricar.

"Si Ken." si Jc.

Nagulat naman ako. Tumayo ako at lumapit kay Jc sa tabi ni Bailey sa kaliwa. Tiningnan ko ang cellphone ni Jc. Nanonood siya ng Tiktok.

Ay gyal, you have a perfect body wid a perfect smile (gyal)
Perfect body wid a perfect smile (gyal)
Feel your eyes, they all over me
Don't be shy, take control of me
Get the vibe, it's gonna be lit tonight

Parang nalaglag ang panga ko sa galing niyang sumayaw. Ang lambot ng kanyang katawan. Agaw pansin din ang.. lunok.

Wala namang subtitle, ba't dyan ka nakatingin, Yohan?

Nangisay naman sa kilig si Jc nang sunod sa pag scroll niya ay shirtless si Ken at sumasayaw.

Teka, makita nga ang username niya sa baba. kjmontes.

Kumurba ang bibig ko at tumango.

***

My Bittersweet Home (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon