Chapter 20: Drunk

3.3K 151 13
                                    


Sumisikip ang dibdib ko sa nangyayari.

Nag aalala ang mukha ni Ate Jona at ni Manang Rosa sakin. Nasa gilid lang sila, parang gusto nila akong ipagtanggol ngunit hindi sila makapagsalita sa takot dito sa mama ni Ken.

"I'll call the police." Ambang kukununin na nito ang phone niya sakanyang shoulder bag nang pinigilan siya ni Ken.

"Ma, hindi niya magagawa ang magnakaw."

Binalingan naman siya ng kanyang ina. "So, you defending him, huh?"

"Marcus, alam ko ang ginawa mo." baling ni Ken sa kapatid.

"What?" kunot-noong tanong nito.

"Nilagay mo ang wallet mo sa kwarto ni Yohan." sabi ni Ken na para bang sigurado siya sa hinala.

"No, talagang ninakaw niya." giit nito.

Ang kaba ko ay napalitan ng inis dito sa kapatid niyang nambibintang.

"Hindi ko ninakaw ang pera mo." depensa ko saking sarili.

Binalingan ako nitong nanlilisik ang mga mata.

Aba! Ang amo ng mukha nito tapos may tinatago palang masamang ugali.

"Marcus, halika na, mukhang kinakampihan ng kuya mo ang bastardong 'yan." ang mama ni Ken at hinigit na nito ang anak palabas ng bahay. Umiling si Ken at sinundan ito palabas.

Napabuntong hininga akong binalingan sila Ate Jona. Nilapitan naman nila ako.

"Pasensya ka na ah, natatakot lang talaga kami kay Madam Stella." si Ate Jona.

Umiling naman si Manang Rosa. "Naghahanap yata ng gulo ang dalawang 'yan."

"Mabait naman yang si Marcus, ewan ko ba at biglang nag iba ang ugali." aniya pa.

Naririnig mula sa labas ang palitan nila ng salita.

Hindi nagtagal ay pumasok na si Ken na busangot ang mukha.

"Sorry, napagbintangan ka nila." sincere niyang sabi sakin.

"O-okay lang." sabi ko.

Okay lang? Sinungaling ka, Yohan. Hindi 'yun okay.

Tinalikuran niya na kami at mabibigat ang mga paang umakyat sa hagdan.

Pumasok na ako sa kwarto at bumungad sakin ang magulong kwarto. Tila hinalughog ang buong kwarto para hanapin ang ninakaw ko raw.

Tumawag naman si Mama nang matutulog na ako. Kinumusta kami. Alam pala nila na nag stay ng ilang araw dito ang kapatid ni Ken. Tumawag si tito kay Ken nung nakaraang araw at sinabi ni Ken na nandito ang kapatid.



Sa sumunod na araw, dinistract ko nalang ang sarili ko sa panonood ng k-drama kesa isipin ang nangyari kahapon. Finally, natapos ko na ang isang story ni Cha eun woo.

Napa-daydream tuloy ako. May Cha eun woo din kayang dadating sa buhay ko? 'Yun bang inaapi ako pero ililigtas niya ako sa mga taong umaapi sakin. Knight and shining armor kumbaga.


Gabi nang umalis si Ken. Gigimik yata kasama ang barkada. Tinanong ko siya kung saan siya pupunta dahil pormadong-pormado siya. He's wearing a black v-neck shirt, faded jeans and a paired of white sneakers.

"Hahanap ng chics." sagot niya.

Tumango naman ako.

Hahanap daw, eh nandito naman ako. Choz.


My Bittersweet Home (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon