Chapter 11: Judge

3.7K 153 14
                                    


"Nakakashokot naman ang pudang mo." si Jc nang makabalik na ako sa kanila.

"Ayun si Ken oh, hinihintay ka yata." si Bailey at tinuro ang parking kung nasaan si Ken. Nakasandal ito sakanyang kotse.

"Gora na ako mga sister, hinihintay na ako ng aking prince charming." pang eechos ko sakanila. Naglakad na ako ng mabilis bago pa nila ako asarin.

"Hmm, uuwi ka na ba? Sabay na tayo." tanong ko kay Ken nang makalapit na sa parking lot.

Tamad naman siyang bumaling sakin. Tumango siya at sumakay na sa driver seat. Umikot ako at pumasok narin sa kabila.

"Sino 'yung tricycle driver na kausap mo?" tanong niya habang bumabiyahe na kami.

"Pudang ko, ah este Papa ko."

Lumingon siya sakin saglit at binalik ang tingin sa daan. Kita ko ang pagkunot ng kanyang noo. Hindi naman na siya nagtanong pa hanggang sa makauwi na kami.

"Hi, Pangit." pang aasar na bati ni Ken nang maabutan namin si Sydney sa living area, siya lang mag isa.

Bumusangot naman ang pagmumukha ni Sydney.

"Alam mo bang mas gwapo pa sayo si Yohan." bwelta naman ni Sydney.

Maganda ako, hindi gwapo. Tss.

Nilampasan ko na sila at paakyat na ng hagdan.

"Crush mo si Yohan, noh." pang aasar ni Ken.

"Baka ikaw ang may crush sakanya." si Sydney.

Nasa gitna na ako ng hagdan nang marinig ko ang sinabi ni Ken.

"Hindi ako pumapatol sa bakla."

Umirap nalang ako, napapangiti at nagpatuloy na sa pag akyat.

Talaga lang ah, hindi ka pumapatol sa bakla.

Pumasok na ako sa kwarto ni Ken. Nagpalit ako ng damit sakanyang banyo. Nang makapagpalit na ay lumabas na ako. Nagulat ako nang makita si Ken na naghuhubad na ng damit. Napalunok ako.

Hindi ko na namalayang natulala na pala ako sa maganda niyang katawan. Tiningnan niya ako saglit at walang pag alinlangang naghubad ng kanyang pantalon hanggang sa nakaboxer nalang siya.

Sherep.

Nanlaki ang mga mata ko nang amba niyang ibababa ang suot niyang boxer, tiningnan niya ako na nang aasar.

"Umasa ka ba na huhubad ako sa harap mo? Tss."

"Hindi noh." irap na sabi ko.

Akala niya naman daks siya.

I saw him smirked. Nagbihis na siya. Ako naman ay lumabas na.

Naabutan ko pa si Sydney sa salas na nanonood ng tv. Umupo ako sa kabilang sofa at nanood narin ng pinanonood niyang movie.

Bumaba narin si Ken. Ang ikli ng short niya ngayon. Kita ko ang pagtaas ng kilay ni Sydney sa pinsan. Ayan na naman sila. Magbabangayan na naman.

"Kailan ka ba uuwi?" tanong ni Ken at umupo na sa sofa katabi ko.

"Dito na ako for good." sagot ni Sydney. Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o hindi.

"Anong dito ka na for good? Araw-araw mo kong bubwisitin." asik niya.

"Baka magkainlaban na kayo niyan ni Yohan kasi sa iisang kwarto na kayo, ayiiee."

"Tsk! Never.." singhal ni Ken.

Kung mag usap sila parang wala ako.

"Baka ikaw lang naman talaga ang may gusto dito kay pareng Yohan." sabi ni Ken sabay akbay sakin. Napangiwi naman ako. Pareng Yohan? Hindi nakakagirl.

My Bittersweet Home (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon