Chapter 29: Dance

3K 146 18
                                    

"Bilis na mga bakla, makikipaglaro pa tayo ng volleyball sa mga boys." si Danny na nagmamadali.

Excited lang ang bakla.

Matapos namin mag ayos ay lumabas na kami sa chineck-in naming kwarto. Dalawang bed ito.

Bumibilis ang tibok ng puso ko habang papalapit na kami sa apat na lalaking naglalaro ng volleyball.

"Hi boys! Can we join?" ipit na boses ni Danny at Toni.

Natigil naman sila sa paglalaro.

Nagtama ang mga mata namin ni Ken. Gulat siya nang makita ako. Ngumiti naman ako sakanya ng tipid.

"Sige." si Jiro at yung Dwayne ang sumagot.

Napalakpak naman ang dalawang bakla.

Pumwesto na kaming apat. Si Jillian ay nanood nalang muna samin.

Nagsimula na kami sa paglaro. Game face muna ako, mamaya na ang pagharot. Char.

Halatang hindi sila marunong maglaro ng volleyball. Dinadaan nalang nila sa palakasan ng pagpalo. Minsan ay nag a-outside ang bola.

Kaharap ko na si Ken sa net. Tinaasan ko siya ng kilay. Nablock niya ang bolang pinalo ko. Naghiyawan ang mga lalaki at nag apiran.

Babawi ako.

Nang sinet sakin ni Toni ang bola ay malakas ko itong pinalo sa kabilang net. Naghiyawan kami nang hindi nila ito nablock at nasave.

Since si Ken ang blocker ko ay nag stare down ako sakanya.

"Ay, palavarn." si Toni.

Syempre, bumawi naman si Ken. Hindi 'yan magpapatalo. Hindi ko siya nablock. Inangasan niya ako ng tingin. Naghiyawan ang mga kaibigan niya.

Medyo nadidistract na ako kay Ken. Kasi naman nasa harapan ko siya, nakahubad ng damit, naliligo na sa pawis, ang kamay ay pinapatong sa likod ng ulo.

Kung kagatin ko kaya ang nipples niya. Rawr.

Ay, ano ba 'tong iniisip ko?

Sa huli, kami ang panalo.

"Ano pala ang premyo natin?" si Toni.

"Kahit kiss nalang sa kalaban, charot." si Danny.

"Parang si Yohan lang ang mabibigyan ng premyo." si Toni. Tinapik ko naman siya. Nagtawanan sila.

"LQ yata sila." segunda naman ni Danny.

Umirap nalang ako. Hinihingal pa ako.

"Magswimming na tayo." anyaya ni Diane.

"Wait, susuotin ko muna ang red bikini ko." si Danny.

"Bakla, mamamatay ang mga isdang lalapit sayo." si Toni.

Nagtawanan naman kami.

Nagtama ang tingin namin ni Ken na kausap niya ang mga kaibigan. Nilapitan niya naman ako nang pumunta na ang mga kaibigan ko sa dagat. Ako ay nagpaiwan, mamaya na ako maliligo.

Kumalabog ang puso ko nang makalapit na siya sakin.

"Ba't napadpad ka rito?" untag niya.

"Sumama ako sa outing nila." sabi ko sabay baling kina Danny na nagsiswimming na sa dagat.

"Kaibigan nila ang may ari ng beach resort na si... Jillian."

Tumango siya.

"Di ko naman alam na nandito ka." sabi ko.

My Bittersweet Home (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon