Chapter 22: New year

3K 140 13
                                    

Natapos na ang sembreak at simula na ng pasukan sa ikalawang semester.

Minsan ay nagpapakita sakin si papa sa labas ng school sa tuwing hapon para humingi ng pera. Inaabutan ko naman siya ng kahit konti. Ang binibigay ko ay ang natitira sa baon ko. Napapansin naman ito ni Ken pero deadma lang siya. Hindi niya pinapakealaman ang buhay ko.




Mabilis lumipas ang mga araw at ito magbabagong taon na. Nung Christmas ay masaya naman ang salu-salo namin. Hindi ako sanay sa dami ng handa nung noche buena, at 'yun ang unang pasko namin ni mama na kasama ang bagong pamilya.

"Magpapaputok ka?" tanong ko kay Ken ng New year's eve.

Gumuhit naman ang mapaglarong ngiti sakanyang labi.

"Oo." aniya.

"Ano namang ipapaputok mo?" tanong ko.

"Bawal daw ang fire crackers." sabi ko.

"Pwede naman daw sa labas basta wag lang sa loob." aniya.

"Bakit ka naman magpapaputok sa loob ng bahay? Baliw."  natatawang sabi ko.

Napahalakhak naman siya ng tawa at umiling.

Dumating na ang countdown. Nasa labas na kami nila mama para manood ng fireworks.

"Happy new year!!" sigaw namin.

Namangha ako sa mga magagandang fireworks na lumiwanag sa kalangitan.

Nagtorotot naman ako, nakihalo sa ingay ng mga paputok at sinindihan ang lusis na hawak.

Nakita ko naman si Ken na nakatingala lang sa kalangitan. Nilapitan ko siya.

"Sindihan mo na ang lusis mo." sabi ko nang hindi niya pa ito sinisindihan.

Tumango naman siya. Pinagdikit niya na ang lusis niya sa lusis ko na nag i-spark. Nag spark narin ang sakanya.

"Woooh! Happy new year!" Tinalikuran ko siya at winagayway ang lusis ko.

Nakita ko naman sila Mama at tito na magkaakbay habang hawak nila ang lusis na nag i-spark.

"Akala ko ba magpapaputok ka?" tanong ko kay Ken nang nilapitan ko siya muli.

"Mamaya na." aniya.

"Ngayon na dapat." sabi ko.

Ngumising aso naman siya. "Gusto mong makita?" tanong niya.

"Oo, pero lalayo ako, ayaw kong maputukan noh." sabi ko.

Tumawa naman siya.

Pumasok na kami ng bahay matapos ang putukan at ang fireworks. Kumain na kami ng media noche at pagkatapos ay nagvideoke kami sa bakuran malapit sa pool.

Mapapaos na yata si mama kakakanta. Ako naman ay paminsan-minsan ring kumakanta. Pinilit ko naman si Ken na kumanta kaso ayaw niya. Humihikab na siya, inaantok na.

Pumasok na siya kalaunan. Matutulog na yata. Ang mokong biniro lang pala akong magpapaputok siya.


Pasukan na naman. Tila may hangover pa ang mga kaibigan ko during vacation. Maraming kwento sa mga nangyari sa buhay nila.

"Ikaw naman Yohan, kamusta na kayo ng step-brother mo?" tanong sakin ni Jc.

Nagkibit-balikat naman ako. "Going strong naman kami, char."

"Ikaw ah, hindi ka nagsi-share samin ng kalandian mo." si Danny.

"Oo nga, baka inaaraw-araw mo 'yang si Ken, uh." si Jc.

"Lalo na dahil sa iisang bahay lang kayo." dagdag ni Bailey.

"Mukhang malibog pa naman si Ken, hindi malabong--"

"Hep, hep, bunganga mo teh." pinigilan ko siya sa sasabihin.

Mabuti nalang at dumating na ang professor namin.

P.E namin kinahapunan. Naglaro ang buong klase ng volleyball sa gymnasium. Naglalaro naman ako nito nung nasa probinsya pa ako. Palo ako ng palo. Gulat ang mga kaklase ko dahil sa marunong akong maglaro ng bola.

"Dapat pala nagvarsity ka, Yohan." si Danny nang matapos na kami sa paglaro ng volleyball.

Uwian ng hapon at natanaw ko si Ken sa parking lot na kausap ang tropa niya.

"Ang baby boy mo, hinihintay ka na yata." siko sakin ni Jc. Nagpaalam na ako sa kanila at lumapit na ako sa kinaroroonan ng tatlo.

Natigil naman ang masayang kwentuhan nila nang dumating ako. Siniko naman ni Jiro si Ken. Ambang susuntukin niya naman ang kaibigan.

"Uuwi na yata kayo ng bebe mo." kantyaw ni Eros.

Pare-pareho talaga sila ng mga kaibigan ko na binubugaw kami.

"Bebe your ass." Binatukan ni Ken si Eros. Nagtawanan naman ang dalawa niyang kaibigan. Napangiti naman ako ng tipid sa kanila. Parang sanay na silang magkasakitan.

"Uuwi ka na?" tanong ni Ken sakin.

"Oo, pero kung hindi ka pa uuwi, mauuna na ako." sabi ko.

"Umuwi na kayo, ayiie.." kantyaw ni Jiro.

"Mauna ka na, hindi pa ko uuwi." aniya.

Tumango naman ako.

"Uuwi narin kami kaya umuwi ka narin." si Eros.

"Edi, umuwi na kayo." asik ni Ken sa mga kaibigan.

Nagtawanan naman ang dalawa.

"Tara pare, umuwi na tayo para magdate na ang dalawa." si Jiro. Nag akbayan na ang dalawa patungo sakanilang mga sasakyan. Napailing naman si Ken.

"Di ka pa uuwi?" tanong ko.

Bumuntong hininga siya. "Uuwi na." masungit na sabi niya.

Mukhang gusto niya pang tumambay kaso wala na siyang ka-jamming kaya no choice na umuwi na rin.

Habang nasa biyahe, naisip ko bigla si papa. Hindi ko siya nakita simula nung holiday. Nasanay na akong nagpapakita siya sakin once or twice a week.

"Ken, pwede bang dumaan muna tayo sa bahay ng papa ko? Malapit lang naman siya." nahihiyang tanong ko. Gusto ko kasing kamustahin ang pudang ko. Baka kung ano ng nangyari dun.

"Saan ba?" tanong niya.

Gulat ako ng slight, kasi pumayag siya.

Tinuro ko naman kung saan ang lugar. Kumabig siya sa kabilang daan.

Habang papalapit na kami sa bahay ni papa, nagtaka naman ako nang may police mobile at maraming tao ang nasa tapat ng bahay.

Hininto naman ni Ken ang sasakyan.

"Anong meron?" takang tanong ko.

Bumaba na ako at lakad takbo akong pumunta sa nagkukumpulang mga tao sa tapat ng bahay. Natanaw ko naman na may tatlong police ang lumabas ng bahay ni papa kasama ang kapatid kong si Jeric na nakaposas ang mga kamay. Nakayuko lang ito. Kumunot ang noo ko.

Anyare?

"Demonyo ka! Mabulok ka sana sa kulungan." nangangalaiting sigaw ng isang ginang.

"Hayop ka!" Ambang susuntukin siya ng isang lalake nang inawat ito ng mga pulis.

Mabilis na isinakay si Jeric sa police mobile. Nakita ko si papa na nag aalala ang mukha. Nakisiksik ako sa maraming tao para malapitan siya.

"Pa, anong nangyare?" naguguluhan kong tanong. Nakatanaw siya sa police car na paandar na.

"Inaakusahan siyang nanggahasa ng batang babae." aniya.

Nanlaki ang mga mata ko at natutop ko ang bibig ko sa gulat.

Luh! Ginawa niya 'yun?

Tuluyan ng nakaalis ang police mobile. Tinanaw lang namin ito.

Nilingon ko si papa na maluha-luha na ang mga mata, kumurap-kurap siya upang pigilan ang mga luha.



***

My Bittersweet Home (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon