Chapter 28: Work

3K 140 6
                                    

Magkikita pa kaya kami ni Ken? Baka sa sunod naming pagkikita ay may asawa na siya. Kailangan ko ng isantabi itong nararamdaman ko sakanya. Wala itong patutunguhan. Masasaktan lang ako. Ayaw kong umasa na gustuhin niya rin ako pabalik.


Lumipas ang buwan, nagkaproblema kami ni mama sa pinansyal. Sinisingil kami ng malaking pera ng tunay na may ari ng lupa na kinatitirikan namin. Hindi sapat ang pera namin sa pambayad sa lupa. Binigyan naman kami nito ng palugit na limang buwan para makapagbayad dahil kung hindi..

Sakto namang tumawag si Danny at tinanong ako kung gusto kong mag apply sa tinatrabahuan niyang hotel sa Maynila. Malaki raw ang sahod, doble sa sahod ko sa trabaho rito. Magsi-share nalang daw kami sa apartment kapag nandun na ako sa Maynila para makatipid.

"Ano Ma, kailangan kong maghanap ng trabaho." sabi ko nang sabihin sakanya ang plano kong pagtrabaho sa Maynila.

Bumuntong-hininga naman siya at ngumiti.

Everytime I look at my parent, I see millions of reasons why I need to be successful.

Hindi lang 'to para sa bahay at lupa namin kundi para sa mga pangarap ko.

Nagresign na ako sa trabaho. Nagulat naman ang mga kasamahan ko sa trabaho lalo na si Troy.

"Tawag ka nalang sakin kapag namimiss mo ko." aniya.

"Ikaw din, tumawag karin sakin kapag namimiss mo rin ako." biro ko.

"Haist, edi araw-araw kitang tatawagan niyan."

Napangiti ako. Baka hanap-hanapin ko ang pambobola nito sakin.

"Mag iingat ka." paalala sakin ni mama.

Ngumiti ako sakanya at niyakap siya. Pinipigilan ko naman ang maluha. Pero si mama, hindi niya na napigilan ang mapaluha.

Kumaway ako kay mama habang buhat ang maleta at umakyat na ng bus.




After a long ride, ay nakarating na ako muli sa Maynila. Tinawagan ko si Danny kung asan siya. Nakita ko naman siya na kumakaway sakin sa labas ng bus terminal.

Nagbeso naman kami nang makalapit sa isa't-isa.

"Baka niloloko mo lang ako bakla." biro ko.

"Oo." Tumawa siya.

"Sabi na nga ba eh, di ka mapagkakatiwalaan." biro ko pa.

"Ay, grabe siya."

Sumakay na kami ng taxi papunta sakanyang apartment. Hindi naman nagtagal ay nakarating na kami rito.

"Welcome to my penthouse." magiliw niyang sabi.

Malaki at makulay ang kanyang apartment at kumpleto sa kagamitan. 

"Dinadala mo ba rito ang mga pini-fling mo?" ngisi kong tanong.

"Oo, kaya dapat masanay ka na." Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o totoo ang sinasabi niya.

Iginiya niya ako sa magiging kwarto ko sa tabi lang ng kanyang kwarto.

"O ayan bakla, meron kang privacy, pwede mong papasukin si Ken dito sa kwarto mo."

Nakatanggap naman siya ng malakas na tapik sa balikat galing sakin. Tumawa lang siya.

"Nagkikita pa ba kayo ng lalaking yun?" tanong niya.

"Oo, last month, pumunta siya samin." sabi ko.

My Bittersweet Home (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon