Chapter 33: Trouble

3K 135 9
                                    



Ang sayang nararamdaman ko ay napalitan ng pait sa sumunod na araw. May kasama lang naman na babae si Ken pagpasok dito sa restaurant ng hapon. Maganda ito, matangkad, maputi at balingkinitan ang katawan. Aura niya palang, may sinasabi na sa buhay.

Nakahawak pa si Ken sa baywang ng babae, iginigiya sa kung saan sila uupo.

Aba! May i-d-date pala ang lalaking 'to ngayong araw.

Tumungo sila sa mesang pang dalawahan. Pinaghila pa ni Ken ng upuan ang babae.

Nilapitan na sila ni Isabel, isa sa mga waitress para tanungin kung ano ang i-oorder.

Luminga naman si Ken sa paligid. Bigla naman akong nagtago sa sulok.

Ba't ba ako nagtatago?

Muli akong tumingin sakanila. Nag uusap na sila ng babae. Nakangiti sila sa isa't-isa.

Nakaramdam ako bigla ng lungkot.

Kahapon lang ako ang kasama at kakwentuhan ni Ken, ngayon iba naman at babae pa.

Parang nilulukot ang puso ko sa nakikita.

Inabala ko nalang ang sarili ko para madistract sa dalawang naglalandian dito sa restaurant.

"Ang ganda naman ng girlfriend ni sir." komento ni Isabel.

"Oo nga, nakakainggit, sana all nalang talaga." sabi naman ni Jenny.

Girlfriend? Walang kinuwento sakin si Ken na may girlfriend na siya.

Umirap ako sa kawalan.

Nagtagal pa ang nag d-date ng isang oras bago umalis. Siguro, sa hotel na sila pupunta.

Wala tuloy ako sa sarili kapag kinakausap na ng mga crew. Biglang nag iba ang timpla ng nararamdaman ko. Bago ako pumasok kanina, ay good mood ako, ngayon para akong galing sa break up kung makapag emote.


Gabi na nang out ko na. Habang naghihintay ng masasakyan pauwi ay may pamilyar na sasakyan ang huminto sa harap ko. Bumaba doon si Ken.

Kumalabog ang puso ko.

"Hatid na kita."

Natulala lang ako sa presensya niya.

"Hey, hatid na kita." pagpukaw niya sa pagkatulala ko.

"Ah, okay lang ako, wag mo na akong ihatid."

"Huh? Bakit?" kunot noo niyang tanong.

"Maaabala pa kita."

"Wala naman akong pupuntahan pa." aniya.

"Tapos na kayong magdate?" biglang tanong ko.

"Date?"

"Ang ganda naman ng girlfriend mo, hindi mo manlang sakin kinuwento." sabi ko sabay tapik sakanyang braso.

"Di ko pa 'yun girlfriend, nililigawan palang." aniya.

"Ahh, talaga?" tanong ko.

Tumango siya.

Pumayag naman ako na ihatid niya sa apartment. Habang nasa biyahe ay tahimik lang akong nakatanaw sa labas ng bintana. Tulala sa nadadaanang streetlights.

Namalayan ko nalang na sa ibang direksyon kami dumadaan, hindi patungo sa apartment ko.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko kay Ken.

"Sa tinatambayan ko minsan." aniya.

Hindi nagtagal ay huminto na kami.

"Anong gagawin natin dito?" tanong ko.

My Bittersweet Home (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon