Chapter 3

269 12 6
                                    

PAKIRAMDAM nya trinaydor sya ng sariling pamilya. Panay ang iyak at paki usap nya habang kinakaladkad sya sa madilim na lugar na yon.

"Papa! Papa please! Please let me go! Papa please!" humahagulhol na paki usap nya.


Pero wala itong naririnig. Hinila sya nito at itinulak sa isang madilim na silid. Hindi nya maaninag ang mukha nito. Sinubukan nyang tumayo at tumakbo pero itinulak lang sya at walang imik na isinara ang pinto.



Kinalampag nya ang pinto "Papa! Please nagmamakaawa ako palayain nyo ako! Parang awa nyo na...."



Pero kahit anong iyak nya, kahit anong paki usap nya walang nakikinig sa kanya. Mabilis syang napatakip ng tenga nang biglang kumidlat ng malakas.......

Napahakap sya sa sarili habang walang tigil sa pag iyak. Nanghihina ang kanyang buong katawan. She feels weak and helpless. Her heart aches so much......

Ang taong gusto nyang makita, kahit sa huling pagkakataon lang.....









MALAKAS syang napasinghap kasabay ng pagmulat ng kanyang mga mata. Napabalikwas sya nang maramdaman ang likido na nasa kanyang mga pisngi.

She sat there confused. Ilang araw lang ang lumipas nagkaroon nanaman sya ng ganitong panaginip. Napailing sya  at pinunasan ang kanyang mga luha. Tinanggal nya ang kumot ay nagpunta sa banyo para maghilamos.



Matapos humugot ng ilang malalim ba hininga ay muli syang nahiga upang ipagpatuloy ang tulog.



The next day nagising sya dahil may kumakalampag sa kanyang pinto.

Tinatamad syang bumangon at napahikab dahil inaantok pa. It was Lulu who was holding her phone.



"Lulu, wala pa akong naluluto. Kagigising ko lang" inaantok na wika nya habang naglalakad pabalik sa loob.



"Hindi naman tungkol sa pagkain eh"  ani nito saka umupo sa sofa "Nag open ka na ba ng fb?"

Napakunot noo sya at umiling "Anong bang meron?"


Nagsimula na syang magluto ng omelette.



May kumatok sa kwarto nya kasunod ng pagbukas non. Pumasok si Koa na may dalang fried rice at tatlong pakete ng coffee.


"Walang mainit na tubig pero inuunahan na kita may thermos sa kwarto ko ikaw na ang kumuha" utos nito kay Lulu



Dali dali namang tumayo ang isa na tila hindi makapag hintay sa dala nitong chismis.


Inilagay nya ang  nilutong ulam sa  mesa at naupo. Pag balik ni Lulu, excited nitong binuksan ang phone.


"Nakita nyo yung nakapost kahapon sa RW Clubs Updates?" Tanong ni Lulu


Napakunot noo sya "RW Club updates? Ano yon?"


"Hindi mo alam yon?" Gulat na wika nito  "Raven Wood Club Updates, in short school page din yon.  Pero doon inilalagay ang mga chika sa school. Doon naka post lahat ng nangyayari"

Napatango tango sya "So? Anong meron?"


Ipinakita nito ang picture sa kanya na may caption 'Basketball club president caught smiling at a lucky girl'


Thread of Promise: Chain of DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon