🍀Note: Actually, hindi ko inaasahan na aabot ako sa 30 chapters. Kaloka, ang sabi ko hanggang 20-something lang 🤦.
BAGO sila umuwi, kinausap muna sila ng pamilya ni Leo. Kasama sila Chareena at Sandro.
Magkatabi sila ni Leo habang kaharap ang mga to.
"Bago namin sabihin ang gusto naming sabihin, please be assured na wala kaming tutol sa kasal na gusto nyong gawin in the future" panimula ni Don "I'm actually beyond greatful that my son wants to marry you Luna. At alam kong both of you will still grow into a much better person. "
Naguguluhan silang nagkatinginan ni Leo. May pakiramdam syang seryoso ang sasabihin ng mga to. She's hoping that it's not something that will break the two of them. Napahawak sya sa braso ni Leo, medyo kinakabahan sya.
"Sana wag nyong mamasamain ang sasabihin namin"wika ni Margaret "We just want the best for the both of you"
"Ano po ba yon?" Tila hindi makapaghintay na wika ni Leo.
"Right after graduation, gusto ng ama mo na sumama ka sakin sa US to work under my company" si Sandro na ang sumagot
Pareho sila ni Leo na nagulat sa sinabi nito. Para syang nabingi sa narinig Hindi nila inaasahan yon, it never crossed her mind.
"Ano?" Si Leo ang unang nakabawi
Humugot ng malalim na hininga si Don bago muling nagsalita "Pakinggan mo muna ako anak-"
"No!" Agad na tanggi ni Leo "Pano si Luna? Maiiwan sya dito?"
Hinigpita nya ang hawak sa braso nito para pigilan ito. When Leo look look at her, umiling sya dito.
"Luna...but-"
"Makinig ka muna sa kanila. I'm sure may dahilan sila Tito." Aniya dito.
Muli itong napatingin sa mga magulang saka mahinang tumango.
"Gusto ko sanang pumunta ka ng US after graduation at magtrabaho doon, I want you to gain your experience there. Take that as a training, alam kong marami kang matututunan sa company nila Sandro. I want you to learn the ropes of the industry. " wika ng ama nito "Malaking tulong din yon para sa future mo."
Halatang hindi gusto ni Leo ang narinig. Magkasalubong ang kilay nito at matalim ang tingin.
"And Luna? " Wika ni Leo
"Luna will stay here ofcourse" wika ni Margaret "Don't worry we'll take care of her"
"Pero ayokong malayo sa kanya..." Leo sounds frustrated.
"Hindi naman ganon katagal Leo", wika ni Sandro "Besides makakatulong ang mga experience mo doon pagbalik mo dito. Para sa inyo naman ito.."
Napatingin sya kay Leo, ayaw nitong magkalayo sila. She feels a little bad, sya nanaman ang iniisip nito.
Pero isa na rin itong pagkakataon para mapatunayan na ang nararamdaman nila para isa't isa ay hindi dahil sa mga ala ala nila Khai at Sera kundi dahil mahal talaga nila ang isa't isa.
Mahal nya si Leo, pero ayaw nyang maapektuhan ang future nito. Malaki ang company ng mga Armani sa US. At magandang oportunidad ito para kay Leo. It can help him in so many ways. At ang dahilan kung bakit ayaw nito na umalis ay dahil sa relasyon nila.
She's not gonna allow that though, he will go. Kahit alam nyang magiging mahirap, she have to push him.
"Leo, please. "Pakiusap ng ina nito "Alam kong magiging mahirap, pero para sa inyo din ito ni Luna. It's not gonna take long."
BINABASA MO ANG
Thread of Promise: Chain of Destiny
WerewolfThey were once separated because of family, but destiny brought them back together. Love has its way to reunite lost broken hearts. When two broken people from the past comes back, how will the destiny give justice to their unhappy ending? -Not your...