Chapter 27

208 7 3
                                    

MABIGAT syang napabuntong hininga at napatingin sa labas ng bintana. Ilang araw ng umuulan. Hindi na nagpakita ang haring araw. Mabuti nalang at hindi ganon kalakas, so far wala  pa namang  kidlat.




"Ok class, tommorow we will have a quiz about these cooking terminologies. That's all for today, goodbye " wika ng instructor bago umalis.




Hindi maipinta ang mukha ni Lulu habang iniisa isang tignan ang ilang pages ng module nila.


"Nagjojoke ba si ma'am? Eh ang dami nito eh" inihampas nito ang module sa table.

"Ilang araw din nyang inexplain ang mga yan. Imposible naman na walang pumasok sa isip mo" aniya



"Naman eh! Kating kati na akong manood ng k-drama. Yung apat na k-drama sa laptop ko ilang araw na akong tinatawag. Puro pa-quiz naman kase ang mga instructors! Kanina may quiz nanaman kami sa math-zero. Kahapon may quiz sa tour-1. Noong isang araw napaquiz din yung taga-KaSe na teacher ah!" Para itong batang nagrereklamo.


Nangalumbaba sya "Ano ka ba, syempre ganon talaga. First year palang tayo kaya full load pa ang subjects natin. Malamang magpapaquiz sila kung gusto nila. Umayos ka nga. Magpasalamat ka nga at hindi ka nabigyan ng subject mo ng pang Saturday eh. Yung ibang students may Saturday class pa."


Humaba ang nguso nito pero hindi naman makaalma.




"Sa sabado mo na pansinin yang mga k-drama mo. " Natatawang wika nya.



"May date kami ni Brandy..." Tila naiiyak na wika nito


"Eh di mamili ka, grades or k-drama? Si Brandy o yang k-drama?"



"Luna ..." Nagpapapadyak Ito.



Natawa sya sa reaction nito "Remind ko lang sayo, may quiz din tayo bukas sa  English,  history, at Logic"


Lalong nalukot ang mukha nito. Napailing sya, kinuha nya ang bag at inilagay doon lahat ng gamit nya.



"Aalis na ako, ano hindi ka pa ba kakain?" Tanong nya.



"Kakain..." Nakasimangot nitong ipinasok ang module sa bag "Yon nalang siguro ang magpapasaya saakin ngayon"



Nauna na itong tumayo, sumunod sya dito nang lumabas sila ng classroom.




Nag order na sila sa canteen ng pagkain saka naupo. Habang kumakain, nagbasa sya ng module nya. At dahil hindi sya makausap ng maayos si Lulu, wala itong nagawa kundi ang basahin ang sariling module. Hanggang sa kunin ni Lulu ang atensyon nya.

"Kita mo yung babaeng yon?" Itinuro nito ang isang grupo ng mga babaeng nakasuot ng hapit na uniform na kumukuha ng pagkain.


"Alin sa kanila?" Tanong nya.



"Yung naka curl ng buhok tapos nakasuot ng heavy make up" sagot nito


Agad nyang napagtanto ang tinutukoy nito "Ah, oo bakit?"



"That girl is Janice. " Mahinang wika ni Lulu "Tourism student, fourth year. Ilang beses akong binalaan ng ibang students tungkol sa kanya. Ang hilig daw kaseng mang agaw ng boyfriend tapos kung sinu sino linalandi. Sabi ng iba baka landiin rin daw nya yung mga captains ng mga club.  May nabiktima na nga daw eh..."


Tumingin sya sa  kaibigan "Wala naman tayong basehan kung totoo yon o hindi. Wag mo nalang silang pansinin. Let's not judge a book by it's cover ok?"


Thread of Promise: Chain of DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon