DINALA nya sa photo exhibit room ng photography club si Luna dahil alam nyang hindi pa ito nakakapunta doon. Mabuti nalang at Ito ang unang pagkakataong nakapasyal sa lugar na yon si Luna. Marami silang napuntahan na mga booth.
"Wow...."mahinang sambit nito habang tumitingin sa paligid "Ang gagaling naman nila"
"Nasa photography sila. Doon sila mahilig kaya magaling sila. Diba ganon ka rin naman sa desserts? This is exactly how others feel while watching you creating your beautiful desserts...they are fascinated"
Napatango ito habang tumitingin sa mga malalaking naka frame na pictures. Tulad nito, inilibot nya ang paningin sa mga litrato doon. Maliban sa mga nakalagay sa pader na nakaframe, may mga nakalapag din sa mesa na mga litratong kuha ng mga galing sa club na iyon. Lumipat sya sa likod ni Luna nang makita ang pictures ng mga alumni na nakalagay doon.
When he look back at her, nahuli nya itong nakatitig sa isang malaking nakaframe na picture na nakasabit sa pader. It's a picture of him! A picture of him playing basketball while aiming to shoot the ball. Alam nyang kuha yon sa championship game nila last year. Mabilis syang muling tumingin sa harap nya. Mabuti nalang at may salamin sa harap nya. Mula sa salamin na yon, pinagmasdan nya ang reaction ni Luna habang nakatingin sa picture nya.
Nakita nya itong pasimpleng tumingin sa kanya saka nito dali daling inilabas ang phone at kinunan ng picture ang picture nya. Napangiti sya habang pinapanood itong nagmamadali para hindi mahuli. Matapos kunan ng ilang shot ang picture nya, mabilis nitong ibinalik ang phone sa bulsa at umaktong parang walang nangyari.
He couldn't stop smiling, pero hindi nya pwedeng ibuko ito. She's just so cute trying to hide what she just did. Tinanggal nya ang ngiti sa labi at muli syang lumapit dito na tila walang alam.
"Anong tinitignan mo?" Painosenteng tanong nya.
Itinuro nito ang picture nya "Kailan yan?"
"Last year" sagot nya "During championship game"
"Nanalo kayo?" Curious na tanong nito
Tumango sya "It was a hard game, muntik na kaming matalo. But we did our best, nanalo parin kami",
Napangiti ito "Late na pero congrats! Sana manalo ulit kayo this year"
Napangiti sya "Kung makakapasok ba kami ng championship manonood ka ng game namin?"
"Kung wala naman akong importanteng gagawin papanoorin ko lahat ng game mo kahit hindi pa championship" sagot nito.
His heart fluttered, akala nya simpleng oo lang ang isasagot nito. She can really make his heart beat so damn fast effortlessly.
"Then.... I'll see you in every game" nakangiting wika nya.
Nakangiti itong tumango.
Pagkalabas nila sa exhibit room, tumingin naman sila sa mga mini booth. Marami ring mga estudyante doon na naglilibot sa last day.
"Uhm.... Excuse me"
Pareho silang napalingon si Luna sa kumuha sa atensyon nila.
"Hi, I'm actually from photography club. I'm just taking pictures as a hobby. Ok lang ba kung kunan ko kayo ng picture?" Tanong ng lalake sa kanila.
Nagkatinginan sila ni Luna. May idea sya kung saan posibleng gamitin ang picture nila, but he doesn't mind getting into a dating rumour basta kay Luna.
"Ok lang ba sayo?" Tanong nya dito
Tila naguguluhan ito pero tumango parin "Ikaw? Ok lang ba sayo? Baka hindi ka ok-"
BINABASA MO ANG
Thread of Promise: Chain of Destiny
Manusia SerigalaThey were once separated because of family, but destiny brought them back together. Love has its way to reunite lost broken hearts. When two broken people from the past comes back, how will the destiny give justice to their unhappy ending? -Not your...